in

JM De Guzman volunteer firefighter na din, kasama sa mga rumesponde sa suno6 sa Maynila

Hindi lang isang magaling na aktor, may dedikasyon din sa kanyang bokasyong makapaglingkod sa kapwa.

‘Yan ay walang iba kundi ang Kapamilya actor na si JM De Guzman.

Isa nang sergeant si JM makatapos ang kanyang training upang maging Philippine Air Force reservist.

Buong puso ang inalay ni JM sa kanyang training upang makapaglingkod siya sa bayan.

Kaya naman marami ang pumupuri sa aktor at nadgdagan pa ito kamakailan ng siya ay isa sa mga rumesponde sa suno6 sa Maynila.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni JM na sumailalim na rin siya sa training bilang isang firefighter.

Ilang video ang ipinost ng aktor na nagpapakita ng paghahanda niya na sumabak ensayo bilang bumbero.

Sa isa pang video ay makikita ang madibdibang pagsasanay ng aktor kung paano sumugpo ng apoy.

At matapos nga ang kanyang pagsasanay ay agad naman siyang napasabak sa totoong labanan.

Isang video muli ang ibinahagi ni JM at may caption na ” real life fire”

Ayon sa aktor ay nakatanggap ang grupo nila ng tawag na may suno6 sa Paco, Manila.

Kaya naman dali-daling kumilos ang kanilang grupo upang agarang maka-responde.

Sa kanyang video ay aminado naman si JM na kabado siya dahil ito ang first-time na gagawin niya ito.

“Pupunta kami ngayon dun para rumesponde. Kinakabahan po kami dahil first time po namin sasabak sa ganitong sitwasyon.”

Sinabi din ni JM na hindi drama o teleserye ang kanilang pupuntahan kundi tunay na bu’hay ang nakasalalay.

Narito ang kanyang video:

Umani naman ng papuri si JM mla sa mga netizens dahil sa kanyang dedikasyon.

Ivana Alawi nais makita at makilala ng personal ng prinsipe ng Brunei na si Prince Abdul Mateen Bolkiah

Heart Evangelista masaya bilang stepmother ng kambal na anak ng asawang si Chiz Escudero