in

JM de Guzman pitong taon ng single, sa comment section ng kanyang IG naghahanap ng pwedeng jowain!

Aminado ang Kapamilya actor na si JM de Guzman na halos pitong taon na siyang single kaya malungkot tuwing Valentine’s.

Sa kanyang latest Instagram post, nagbahagi si JM ng short video niya na tila naglalakad sa mall. Saad niya sa caption, “7th year valentines.. still single. hanap ng hanap.. baka nasa comments section kalang.”

Maraming netizens naman especially girls ang agad kinagiliwan ang post na iyon ni JM. May ilan pa ngang kinilig agad sa video ng aktor.

Mayroon ding mga kababaihan ang pabirong nag-apply na maging girlfriend ni JM at ang iba namang girls ay tinag ang mga babae nilang kaibigan para ireto sa aktor.

Bumaha nga ng mga wari mo’y kinikiliting mga kababaihan sa comment section ng post ni JM. Mga nagbabakasakali na sila na ang tinutukoy o hinahanap ng aktor.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“nako jm nandito lang naman ako since orosman at zafira days mo pa”

“oo nandito lang ako”

“pm is the key”

“where do i sign up?”

“Mine ko na po kayo sir”

“Hoy JM sino nagsabing single ka? Hindi pa tayo break ha!”

Matatandaang ang huling official girlfriend ni JM ay si Jessy Mendiola. Naghiwalay sila taong 2015, kaya eksaktong pitong taon na ngang walang ka-date tuwing Valentine’s si JM.

May mangilan ngilan ding nalink sa kanya sa mga nakalipas na taon tulad na lamang ni Barbie Imperial.

Pero hindi naman natuloy sa seryosohan ang kanilang pagtitinginan.

Ion Perez naiyak noon nang tinanggihan na mag propose kay Vice sa live television

Magkasintahang Edu Manzano at Cherry Pie Picache gustong magkaroon ng sariling anak