in

JM De Guzman itinuturong dahilan sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla

Nasangkot na din ang aktor na si JM De Guzman sa kontrobersyal na hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Hanggang ngayon nga ay mainit pa din ang usapin tungkol sa paghihiwalay nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Nagsimula ito ng kinumpirma ni Robin Padilla  na hiwalay na nga anak niya sa asawa.

Nangyari ito sa panayam ng aktor sa manager, vlogger at TV host na si Ogie Diaz.

Ani Robin third party umano ang dahilan ng hiwalayan ngunit hindi naman nito pinangalanan kung sino.

Hanggang sa marami na ngang nasangkot na pangalan, nadawit na dito sina Mika Rivera at Cindy Miranda.

Sila ang tinuturo umanong naging babae ni Aljur at naging dahilan ng pakikipaghiwalay ni Kylie sa aktor.

Ngunit mariin namang itinanggi nina Mika at Cindy ang mga paratanag na ito, anila naging katrabaho lang nila si Aljur.

At walang katotohanan ang mga ibinibintang ng mga netizens laban sa kanila.

Ngunit kamakailan lamang isang pangalan na naman ang nadawit na posibleng dahilan umano ng hiwalayan.

At ito ng ay walang iba kundi ang Kapamilya actor na si JM De Guzman.

Nasangkot ang pangalan ni JM dahil sa pahayag na ibinahagi ni Xian Gaza sa kanyang Facebook live kamakailan.

Saad ni Xian parte lang daw ng plano ang panayam ni Robin upang hindi matuon sa tunay na dahilan ng hiwalayan.

Para daw hindi na halungkatin ng madlang pipol na si Kylie ang totoong nangaliwa at hindi si Aljur.

Ani pa ni Xian high maintenance daw kasi ang aktres at hindi afford ni Aljur ang luo nito.

Marami daw mayayaman na nanliligaw kay Kylie at isa na nga dito si JM De Guzman.

Agad naman itong pinabulaanan ni Kylie at sinabing magkaibigan lamang sila ni JM.

Aamin na nga ba? Dominic Roque hindi na nakapagpigil, sinabihan ng “i*y” si Bea Alonzo

“You will always be my favorite “SAWSAWERO” Amy Perez inalala ang namaalam na kaibigan na si Hans Mortel