in

JK Labajo ikinampanya ang girlfriend na si Maureen Wroblewitz sa pagsali nito sa Miss Universe Philippines 2021

Very proud at supportive boyfriend ang singer an si JK Labajo sa kanyang girlfriend na si Maureen Wroblewitz.

Isa si Maureen sa top 100 delegates para sa Miss Universe Philippines 2021.

Sa next round ay 75 candidates na lamang ang matitira kaya todo sa pangangampanya ang mga kandidata.

Sa kanyang Instagram account ibinahagi ng Asia’s Next Top Model Cycle 5 grand winner ang kanyang pakiusap.

Na iboto siya para makasama sa Top 75.

Bahagi ng caption ni Maureen: “Our headshots have been uploaded and the voting has begun.

“I’m kindly asking you to vote for me through the MUPH app (No. 20) this is our first @themissuniverseph challenge and I’m so excited!!!”

Kasunod nito ay ang mechanics kung paano boboto mula kahapon hanggang August 1.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maureen Wroblewitz (@mauwrob)

At bilang supportive boyfriend, ikinampanya din ni JK ang kanyang nobya.

Sa pamamagitan din ng Instagram post ay nanghingi ng tulong si JK sa kanyang mga followers.

Saad nito, “Hi po gud pm sa inyong lahat paki download po yung miss universe ph app tapos paki vote po yung crush ko na si Maureen Christa Wroblewitz para po pansinin niya na po ako.

“Panget po yung mga hindi po susuporta sa kanya. Salamat po.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jack Cole (@karloslabajo)

Hindi mapapasama sa bilang ang reactions or likes sa social media accounts ng Miss Universe Philippines kung hindi sa mismong app ng pageant boboto.

Kaya todo kampanya ang lahat ng kandidata at kanilang mmga supporters upang makaabot sa next round.

Bukod kay Maureen, nakasama rin sa listahan ng Top 100 Miss Universe Philippines 2021 candidates si Kisses Delavin na nauna nang nanghingi ng suporta sa publiko sa pagsali niya sa nasabing pageant.

Jake Ejercito muling bumalik sa Siargao para sa anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie

Matapos mabingwit ang Gold Medal sa Olympics, Hidilyn Diaz mas minahal ng maraming brands