in

Jiro Manio ineenjoy na ang simpleng pamumuhay, aminadong hindi pa handa na bumalik sa pag-aartista

Aminado ang dating child actor na si Jiro Manio na hindi pa siya handang bumalik muli sa showbiz.

Sa bibihirang pagkakataon, nakita muli ng publiko ang dating aktor na si Jiro Manio. Naging guest kasi siya sa pilot episode ng programa ng Star Image Digital Network na ‘Take Two’.

Dito ay naitanong ng mga host kay Jiro, “Kung bibigyan ka ulit ng pagkakataon umarte sa showbiz, handa ka na ba?” 

Sagot naman ng dating child actor, “Hindi ko muna masasagot ‘yan kasi busy ako sa simpleng buhay ngayon… Marami ako natutulungan sa simpleng paraan. Saka plano ko pa rin makapag-aral.” 

Sa nasabing panayam ay ibinahagi di ni Jiro ang kanyang pagtulong sa mga katulad niya na naligaw din ng landas.

“Yung binuno ko nun sa rehabilitation center, nagtayo kami ng advocacy program tapos meron silang priority kung tawagin pero di pa nila na papassed lookout kasi nga wala silang pambili ng gamot, kulang yung gamit sa gobyerno,” kwento ni Jiro.

“So ang nangyari nag focus sa mga nagbabagong buhay dun, binigyan nila ng sponsorship ayun ‘yung tinatawag na after care program.

“Tapos napasok nila ako dun ang gagawin pala kinontrata nila ako tapos magtatrabaho ako sa kanila.

Nang maitanong naman kung ano ang namimiss niya bilang artista. Saad ni Jiro ay yung mga adventure at kung saan saang lugar siya nakakapasyal.

Sa tuwing naririnig naman daw niya ang mga salitang lights camera action ay naiisip ni Jiro ang kanyang sarili.

Dahil noong nasa set pa daw siya ang mga kailangang gawin ay kabisado niya ang mga lines niya. At hindi na kailangan pang sabihan ng direktor ng kailangan niyang gawin.

Sa ngayon ayon kay Jiro as mas nae-enjoy niya ang kanyang simpleng pamumuhay.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang panayam:

Ara Mina ilang araw ng natatakam sa manggang hilaw at bagoong, naglilihi na nga ba?

Ejay Falcon nagbalik tanaw sa kanyang buhay noon bilang kargador, malaki ang pasasalamat sa buhay niya ngayon