Nagbalik-tanaw si Jinkee Pacquiao sa simpleng pamumuhay niya dati sa probinsya ng Sarangani.
Ilang litrato na kuha sa Kitagas Katubao Kiamba, Sarangani Province ang ibinahagi ni Jinkee sa kanyang social media accounts.
Kung saan makikita si Jinkee at mga anak na nakasakay sa parang kariton na hila-hila ng kalabaw.
Sa panahon ng lockdown, namalagi ang pamilya Pacquiao sa Dasmariñas Village pero umuwi sila agad ng General Santos nang luwagan na ang quarantine status sa Metro Manila at ang mga travel restriction.
Ayon kay Jinkee, malaki ang pasasalamat niya na muling makabalik sa lugar kung saan siya lumaki. Aniya, masaya ring balikan ang masasayang alaala niya noong kanyang kabataan tulad na lamang nang pagpunta sa bukid at niyugan.
Ayon kay Jinkee, masaya ring maranasan ulit ang kanyang kabataan lalo’t kasama niya ang mga anak nila ni Manny Pacquiao.
“Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nakablik ulit ako sa lugar kung saan kami nakatira nung bata pa ako, kung saan ako lumaki at nag-aral ng elementary. Ang saya saya lang balikan ang nakaraan kung saan sumasakay kami ng kariton noon. Sinasama kami noon papunta sa bukid sa niyugan ng tatay ko sakay ng kariton at ngayon masaya ako na ma-experience ulit na sumakay kasama ang mga anak ko. Masaya sila na na-experience nila at hindi sila natakot,” saad nito.
View this post on Instagram
Samantala, ang napansin ng ilang netizen, ang hindi pagsusuot ng face mask at ang hindi pag-obserba ng social distancing ng mag-iina.
Anong drama at kaartehan ‘to? Pambalanse sa Hermes bikes? Lol. Take note: NO MASKS, NO SOCIAL DISTANCING. https://t.co/KrquaUiE8n
— Mae Chatto (@MaeChatto) July 13, 2020
Ilan naman ang nagsabi na tila ito daw ang sagot ni Jinkee sa patutsada noon sa kanya ni Agot Isidro.