in

Jinkee Pacquiao nag-flex ng kanyang mamahaling carpet, nagbiro pa na baka isama din sa computation

Isang nakakatuwang post ang ibinahagi ni Jinkee Pacquiao na tila biro para sa kanyang mga bashers.

Hindi pa rin maka-get over ang mga supporters at maging bashers ni Jinkee Pacquiao sa mga mamahaling designer bags at OOTD nito na umaabot ng milyones na ibinabahagi nito sa kaniyang social media accounts.

Matatandaang isa sa mga nagpatutsada sa kaniya ay ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Gayunpaman, hindi nagpakita ng pagkapikon o pagkaasar si jinkee Pacquiao sa kabila ng mga negatibong mga isyung ipinupukol sa kanilang mag-asawa kasunod ng laban ni Senator Manny Pacquiao kamakailan.

Matapos lumabas ang mga bali-balita kaugnay sa presyo ng isinuot na OOTD ni Jinkee sa laban ng asawa, lumabas ang mga online article kung saan na-compute ang presyo ng mga damit na ginamit ni Jinkee.

Kaya naman sa kanyang post sa Instagram ay may pabirong caption ang misis ng Pambansang Kamao. Tungkol sa mamahaling carpet ng kanilang bahay.

Biro niya sa caption na nasa wikang Bisaya, baka raw isama sa computation ng mga tao ang mamahaling carpet.

Dagdag na biro pa niya, hindi talaga sa kanila ang Fendi Casa carpet kundi sa kanilang kapitbahay doon.

Basi apilon napud ug compute ang carpet kay Fendi ra ba! dire ta mangaluya  sa silingan lang ra ba ni! joke, joke, joke!”

At nasama na nga sa compute ang mamahaling carpet na ito. Napag-alaman na ang  Fendi Casa carpet collection ay nagkakahalaga mula ₱50,000 hanggang ₱500,000.

Sa isa pa niyang bagong post sa Instagram, tila may pasaring naman si Jinkee sa mga taong “bitter.”

Kilalanin si Lea Dumortier ang French-Taiwanese TikToker na look-alike ni Marian Rivera

91-anyos na Lolo na hindi na makalakad napakanta sa tuwa ng mabigyan ng tulong ni Raffy Tulfo