in

Jimmy Santos sumabak sa pag-uuling na ibinahagi niya sa kanyang latest vlog sa YouTube

 

Para sa kanyang pinakabagong vlog, sinubukan naman ng aktor at TV host na si Jimmy Santos ang pag-uuling.

Mula sa pagiging basketball player at “Eat Bulaga!” Dabarkads, isa na ring vlogger si Jimmy Santos.

 

 

Sa  panayama niya sa “Unang Hirit” ibinahagi ni Jimmy ang kaniyang adventures sa Clark, Pampanga, kung saan doon niya shinu-shoot ang ilan sa kaniyang entry na “Jimmy Saints.”

 

 

“Shine-share ko lang ‘yung kaunting kaalaman ko at naikukuwento rin sa akin ‘yung tungkol dito sa Pampanga, ‘yung history,” saad ng komedyante.

Pagba-vlog ngayon ang kinahihiligan ni Jimmy.

“Ang pagba-vlog, hindi basta ganu’n lang eh. Kailangan meron ding sense na kailangang kapulutan ng aral. Alam mo naman ang kaalaman, walang katapusan,” sabi niya.

 

 

At para sa kanyang latest vlog update, Game na game ang komedyante sa pag-uuling sa Angles City.

Dumayo pa ito sa Brgy. Sapangbato kung saan ginagawa ang uling.

 

 

Mula sa pagsasalansan ng kahoy hanggang sa pagbubuhat ng sako-sakong uling ay ginawa ni Jimmy.

 

 

Bukod sa pagdayo nito sa ulingan, ibinahagi niya ang magandang tanawin na makikita sa Clark Sun Valley Country Club.

 

 

Habang naglalakad ay inilibot niya ang kanyang mga viewers sa preskong lugar ng nasabing barangay.

 

 

Kapansin-pansin din na hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagiging komedyante kaya naman tuwang-tuwa rin sa kanya ang mga taong nakasalamuha niya roon.

 

 

Umani rin siya ng papuri mula sa kanyang mga subscribers.

Narito ang ilan sa kanilan komento:

“Galing mo Mang Jimmy. Additional info, ganoon pala gumawa ng uling. Salamat po.”

“Wow this man is so humble, & has good sense of humor.”

“This is way way informative than other vloggers.Please take care sir, please don’t forget wearing facemask. Thank you po”

Marami din ang nagsasabi na marami silang natutunan sa mga vlog ni Jimmy Santos.

Sa gitna ng hiwalayan issue, Kylie Padilla hinangaan ng mga netizens dahil sa pagiging matatag nito

Joem Bascon “Sir Wil” pa din ang tawag kay Willie Revillame na ama ng kanyang partner na si Meryll Soriano