in

Jimmy Santos namundok sa Porac Pampanga at nakipagsayawan sa mga katutubong Aeta

Mula sa pagiging basketball player at “Eat Bulaga!” Dabarkads, isa na ring vlogger si Jimmy Santos.

Marahil ay may mga nagtatanong kung nasaan na ngayon si Jimmy Santos.

Bagamat hindi siya aktibo sa telebisyon at pelikula, very active naman ang 69-year-old comedian-host sa kanyang YouTube channel.

Sa vlogging ibinubuhos ngayon ni Jimmy ang kanyang panahon. Kasalukuyan siyang naninirahan sa Clark, Pampanga.

Tampok sa kanyang videos ang buhay probinsya at mga pasyalan sa Pampanga.

Sa ngayon ay meron na s’yang mahigit 255K subscribers sa YouTube channel n’yang Jimmy Saints na kanyang sinimulan nito lamang February.

Sa kanyang panayam sa Unang Hirit saad ni Jimmy,

Shine-share ko lang ‘yong kaunting kaalaman ko at ‘yong mga naikuk’wento sa’kin ‘yong tungkol dito sa Pampanga.”

Ang pagba-vlog, hindi basta ganu’n lang, e,”. “Kailangan meron ding sense na kailangang kapulutan ng aral. Alam mo naman ang kaalaman, walang katapusan, e.

Sa iba’t ibang video, may mga pahayag si Jimmy tungkol sa kanyang sitwasyon sa kasalukuyan.

Dahil nga panahon ng pandemya, sa Pampanga muna siya nananatili. Ang isa pa niyang pinagkakaabalahan ay ang pagpunta sa kanyang mga kaibigan, na isinasama rin niya sa videos.

Isa sa kaniyang video ang pagbisita niya sa Bundok ng Porac kung saan siya nakipag-bonding at nakisayaw sa mga katutubong Aeta.

Sa simula ng kanyang video ay minwestra ni Jimmy ang baybayin sa Villa Maria sa Porac Pampanga.

Makikitang hingal na hingal si Jimmy dahil aniya malayo ang kanyang nilakad para mapuntahan ang mga Aeta.

Ngunit hindi raw siya napapagod at napawi nga ang lahat ng pagod ng masaya siyang sinalubong ng mga Aeta.

Panoorin dito ang kanyang video:

Samantala, aminado naman si Jimmy na nami-miss na  rin daw niya ang showbiz,  lalo na ang paggawa ng pelikula.

Ex-partner ni Ara Mina na si Patrick Meneses imbitado sa kasal ng aktres kay Dave Almarinez

Bea Alonzo emosyonal na nagpaalam at nagpasalamat sa ABS CBN matapos pumirma ng kontrata sa GMA