in

Jessy Mendiola ipinasilip sa madla ang napakalawak na farm na pagmamay-ari ni Vilma Santos sa Lipa Batangas

Ipinasilip ni Jessy Mendiola ang farm nina Vilma Santos at Senator Ralph Recto sa Lipa, Batangas.

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Jessy ang pagbisita niya kasama ang asawang si Luis Manzano sa farm nina Ate Vi.

Sa nasabing video makikita kung gaano kalawak ang farm. Napakaraming tanim nito at may mga alaga din silang mga hayop. Tulad na lamang ng mga baka, at napakaraming ibon.

May mga tanim na mangga at iba’-t-ibang fruit and vegetables bearing plants.

Makikita sa video ni Jessy ang pagiging cool ng Star for All Seasons na mismong nagbiro sa anak kaugnay sa hugis ng mukha nito.

Sa isang bahagi ng video ay pabirong tinuro ni Ate Vi ang puno ng mangga na aniya ay akala niya’y walang bunga sabay turo kay Luis at nagsabing meron pala.

Hirit naman ni Luis, magpapahinga na umano ang ina sa politika at magbabalik sa showbiz. Biniro niya ring sa “Goin’ Bulilit” mapapanood ang kanyang momskie.

Samantala, ayon naman kay Luis ay balak din umano niyang magkaroon ng sariling farm sa Batangas.

Dahil na rin sa magandang klima doon na healthy para sa mga pananim at pag-aalaga ng mga hayop.

Healthy and organic environment umano kumbaga. Kaya talaga namang nakaka-relax habang sila ay naglilibot.

Sweet na sweet din sina Ate Vi at Jessy na magkahawak pa ang kamay habang naglalakad sa bukirin.

Maraming netizens naman ang humanga sa samahan ng dalawa. Namangha din sila sa lawak at ganda ng farm ni Ate Vi.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Super ganda ng place ng farm the landscape, the native house the surrounding everything nice”

“I really admired how daughter in law and mother in laws bonding..ang ganda nila tingnan”

“Ang ganda ng Lugar,nakaka inspired naman talaga ang mga ganyan couple”

Narito ang kabuuan ng video:

Gwapong Pari na si Fr. Ferdinand “Ferdi” Santos trending online, kinakikiligan ng maraming kababaihan

Shara Chavez may resbak sa naging pahayag ni Jovit Baldivino tungkol sa nais nitong makuha ang kostudiya ng anak nila