in

Jessy Mendiola at Luis Manzano masayang ibinahagi na magkaka-anak na sila

Labis ang kasiyahan ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola na paparating na ang kanilang first baby!

Sa latest vlog ni Jessy sa kanyang YouTube channel ngayong Huwebes ng gabi August 11. Kinumpirma ng aktres na siya ay nagdadalang tao na.

Kanina kasi ay mabilis na kumalat ang haka-haka ng marami na buntis na ang aktres dahil sa kanyang Instagaram post. Napansin kasi nila na nakalitaw na ang baby bump ni Jessy.

At pagtungtong nga ng 7:30 ng gabi, ibinhagi na ni Jessy ang video na pinamagatang “A New Chapter”

Ayon kay Jessy, kailangang ipagpaliban muna ang pinaplano sana nilang church wedding this year dahil sa kanilang “wonderful blessing”.

Mababasa naman sa description ng kanyang video, “What a pleasant surprise! We had planned for our church wedding this year but suddenly God gave us this wonderful blessing, proving time and again that God is the master planner”

Kinunan ang naturang video sa magandang simbahan sa Benguet. Kung saan inulit ng mag-asawa ang kaganapan noong sila ay ikinasal, nagpalitan din sila ng vow’s sa isa’t-isa.

“I get to be a better person in all aspects [of my life] because of her influence sa buhay ko and looking down the road, parang ang sarap makita kung paano din siya bilang isang mommy,” ani ni Luis.

Saad naman ni Jessy, “Ang dami kong memorable moments with you but this one siguro this is the best.”

Ang pagbubuntis ng aktres ang katuparan ng kanyang sinabi noong plano nilang magkaroon ng anak ngayong 2022 at babae ang kanilang nais maging panganay.

Smokey Manaloto proud daddy na sa edad na 40! Ipinakilala sa publiko ang kanyang baby

Super Tekla nakipagbalikan sa dating partner, Michelle Banaag buntis ulit!