in

Jerome Ponce isinapubliko na ang relasyon kay Sachzna Laparan ng batiin ang huli sa kanyang kaarawan

Magkarelasyon na nga ba sina Jrome Ponce at Sachzna Laparan?

Ito ang tanong nang nakararami matapos batiin ni Jerome si Sachzna sa kanyang kaarawan.

Sa Instagram ay nagpost ang aktor ng dalawang litrato bilang pagbati sa hindi na niya pinangalanang tao.

“Happy birthday nassib” saad ni Jerome sa kanyang caption.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jerome Ponce (@mrjeromeponce)

Ngunit agad namang natukoy ng mga netizens na si Sachzna nga ang kasama ni Jerome sa mga larawan.

Ang isa ay kasama niya sa loob ng kotse at ang isa naman ay ka-video call niya.

Kaya naman agad inusisa ngmga netizens kung in a relationship na nga ba sina Jerome at Sachzna.

Lalo pang umigting ang kanilang hinala ng malaman na ang ibig sabihin pala ng “nassib” ay destiny or fate.

Ilang videos din sa TikTok ang nakitang magkasamang magiliw na nagsasayaw ang dalawa.

@missflawlessss At may namura na po @mrjeromep ♬ dance credits ali.scyn – 😎👑⭐️🪐🤷🏽‍♀️✨

Unang nasilayan ng publiko na kasama si Jerom si Sachzna sa vlog ng dalaga na lumabas nito lang May 26.

May pamagat itong “SAGOT O LAGOK WITH JEROME PONCE

Sa nasabing episode, parehong natanong ang dalawa kung crush nila ang isa’t isa pero ngiti lamang ang kanilang sagot.

Ayon naman sa ilang report, isang buwan na daw diumanong magkasintahan ang dalawa.

Grabe raw ang effort na ginagawa ng aktor sa panliligaw sa dalaga.

Ginagawa raw nito ang lahat mapasagot lang si Miss Flawless.

At usap-usapan din na lagi daw magkasama sina Jerome at Sachzna ngayon.

Samantala, narito naman ang ilang komento ng netizens ukol dito:

“Wala na pala sila ni Mica, di ba may jowa din itong si Sachzna?”

“Siya ba ang dahilan kaya nakipag-break si Mika Reyes?”

“Susme from Mika to Sachnza anyare koya?”

Anog say mo dito?

Kris Aquino naging emosyonal sa pagbabalik sa Tarlac ng panganay na anak na si Josh

Sunshine Guimary kinaaliwan ng netizens, ginawang katulong sa vlog ni Robert at Balong