in

Jeric Raval aprubado nga ba ang pangliligaw ni Aljur Abrenica sa anak na si AJ Raval? “Hindi naman third party ang anak ko”

Jeric Raval, muling nagsalita tungkol sa kontrobersiyal na lovelife ngayon ng kanyang anak na si AJ Raval.

Inuusisa pa din ng madami ang relasyon ni AJ sa estranged husband ni Kylie Padilla na si Aljur Abrenica. Ito at matapos aminin ng aktres na nililigawan siya ni Aljur.

Sa naging interview ni Jeric sa radio program na Sa Totoo Lang, tinanong muli ang action star tungkol sa lovelife ng kanyang anak.

Aprubado nga ba niya nag pangliligaw ni Aljur kahit na 31 anyos na ito habang anak ay 21 pa lamang?

Natatawang sagot ng aktor, “Pagdating kasi sa ganyan, yung mga buhay pag-ibig ng mga anak natin, hindi na natin saklaw iyan, e.

“Halimbawa, kahit ayaw ko, wala naman akong magagawa. Matanda na yung anak ko.”

Sa nasabing interview, inulit ni Jeric ang naging pag-uusap nila noon ni Aljur.

“Tatlong bagay lang naman ang tinanong ko sa kanya,” pagbabahagi niya.

“Ang una, tinanong ko lang, ‘Nililigawan mo ba ang anak ko?’ Well, ang sagot niya, ‘Oo.’”

“Ikaw ba’y hiwalay?’ Ang sagot niya’y, ‘Oo.’”

“At pangatlo, ‘Anong sasabihin ko sa biyenan mo pag aksidenteng nagkita kami?’”

Hindi na nagbigay pa ng detalye si Jeric kung ano ang naging sagot ni Aljur sa kanya. Pero nag-aalala ang aktor kung sakaling magkita daw ulit sila ng kaibigang si Robin.

“Sabi ko, ‘Mamaya ang dating sa tao, e, third party ang anak ko.’”

Sa huli, dumadating na ang gusto lang ni Jeric ay malinis ang pangalan ng anak na si AJ.

Pahayag nito sa naging paglilinaw ng Kylie, “Well, salamat naman at nagsalita naman siya. Hindi naman third party ang anak ko. Yun lang naman ang akin doon sa relasyon nila.”

Lolit Solis kinampihan si Kylie Padilla, iniimbitahan ang aktres sa kanilang programa

Heaven Peralejo aminadong gumastos ng halos kalahating milyon dahil sa pagmamahal sa dating karelasyon