in

Jelai Andres at Buboy Villar kumasa sa ‘Jowa Challenge’ mga netizens kinilig at naaliw sa dalawa

Good vibes at kilig ang hatid ng ‘Jowa Challenge’ vlog. Na ginawa ng mga Kapuso stars na sina Jelai Andres at Buboy Villar.

Sina Buboy at Jelai ay matagal ng malapit na magkaibigan. Ilang shows na din sa GMA ang kanilang pinagsamahan at pati na din sa mga vlogs ay nagkaroon na sila ng collaboration.

Kaya naman, sa Jowa Challenge vlog ni Jelai na aniya’y matagal ng request ng kanyang mga fans. Si Buboy ang napili niyang makasama.

Sa simula ng kanilang video ay nagulat pa si Buboy na siya ang napili ni Jelai. Pabirong saad pa nga nito, “ang dami mo nang nakasama, ibig sabihin ba pinagtatadyakan ko lang ‘yung mga ‘yun”

Ayon naman kay Jelai ay si Buboy daw kasi ang ni-request ng kanyang mga fans. Dahil paniguradong katatawanan ang kalalabasan.

Naka-ilang take din sila sa sweet intro na dapat ay kanilang gagawin bago nila simulan ang vlogs. Gilie na giliw naman ang mga netizens dahil sa pagiging malapit ng dalawa.

Nariyang nagtatawanan, nagkukulitan, at naghaharutan pa sila. Puro biruan at kalokohan din ang kanilang mga pinag-uusapan.

Bilang pagkasa naman sa Jowa challenge, kinailangan naman nilang maging malambing sa isa’t-isa. Baby ang napili nilang term of endearment.

Habang nasa byahe naman ay magkahawak ang kanilang kamay at si Jelai pa ang nagmamaneho. At dahil kilala sa pagging kwela ang dalawa ay hinaluan din nila ng kunwaring nagkatampuhan sila at nagkasuyuan din naman sa huli.

Isang dramatic scene naman ang ginawa nilang pagtatapos sa kanilang challenge.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang vlog:

Sheena Halili aminadong siya ay ‘praning na Nanay’ sinabi ang dahilan ng pagsusuot ng raincover sa elevator

Mausisang Marites napansin na hindi suot ni Carla Abellana ang wedding ring sa latest vlog nito!