in

Jaya naging emosyonal sa unang araw sa pampublikong eskwelahan sa Amerika ng kanyang mga anak

Hindi napigilang maging emosyonal ng Queen Of Soul na si Jaya sa first day of school ng kanyang anak sa US.

Sa kanyang Instagram post, nagbahagi si Jaya ng isang maikling video. Kung saan makikita ang unang araw ng pasukan ng kanyang anak na si Dylan.

Saad ni Jaya sa kanyang caption, “1st day of school for my son Dylan, thank you, Jesus, for the grace. Please watch over him throughout this year.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaya (@jaya)

Kalakip din ng kanyang post ang litrato nilang mag-ina at kasama ang kanyang asawa na si Gary Gotidoc. Habang nakasuot ng facemask ay makikita naman ang ngiti sa kanilang mga labi.

“Do you feel nervous?” maririnig na tanong ni Jaya sa kanyang anak. Oo naman ang sagot ni Dylan. Dahil aniya naninibago siya dahil tatlong taon na rin siyang hindi pumapasok sa eskwelahan.

Sa sumunod namang post ni Jaya ay ang anak naman nilang si Sab ang ihahatid nila sa American public school.

Aniya sa kanyang caption, “Sab’s 1st day of school today  now both my babies are in an American Public School. Lord please help her get through the day and calm her heart coz she’s really nervous. Sorry Sab I had to take pics and videos alam mo na, but you will do great my child. You have Jesus in your heart and you have been walking the walk, I trust that you will be ok. Dad and I love you and do your thaaang!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaya (@jaya)

Kahit naging emosyonal ay proud na proud naman si Jaya na balik na sa pag-aaral ang kanyang mga anak.

Ayon kay Lolit Solis, hindi afford ni Paolo Contis pumuntang New York para suyuin si LJ Reyes

Yen Santos may misteryosong move na naman, binura ang lahat ng kanyang post sa Instagram