in

Jasmine Curtis isa nga ba sa pinakabagong artista ng Crown Artist Management ni Maja Salvador?

Jasmine Curtis si Maja Salvador na nga ba ang magma-manage?

Ito ang tanong ng marami, matapos maglabas ni Maja Salvador ng isang teaser video.

Kung saan ipinasilip niya sa madla ang pinakabagong talent ng Crown Artist Management na pagma-may ari niya.

Sa nasabing video, makikita ang isang babae na hindi ipinapakita ng buo ang kanyang mukha.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MAJA (@iammajasalvador)

Ngunit sa huli ay may nakalagay na hashtag #JASanotherQueen.

Maraming netizens naman ang agad na hinuha na ang babae sa video ay si Jasmine Curtis.

Kitang kita daw kasi sa mga anggulo na ang kapatid ni Anne ang mystery queen sa video.

May mga katagang nakasulat din sa video na nagsasabing,

Aalis ka ba talaga nang di nagpapaalam sa akin?”

“Sobrang fluid dito parang mga waves.”

“Hanggang alter nalang tayo.” 

“Actually, na-feature ako las year sa Young Star.”

“Just this.”

Na-decode naman agad ng mapag-usisang mga netizens na ang mga linyang iyon ay mula sa mga karakter na ginampanan ni Jasmine.

Ito ay sa mga pelikula niyang ‘I’m Drunk, I Love You‘ and ‘Alter Me‘.

Sa isang video naman ay ipinakita ang mga pangalan ng karakter na ginampanan din ni Jasmin.

At doon ay mas kitang kita na si Jasmine na nga ang nasabi video dahil sa side view shot nito.

Maraming netizens naman ang nagbigay ng reaksyon ukol dito.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Medyo trying hard yung paandar na ganto ng agency ni mareng maja”

“Need pba hulaan? Obvious naman na it’s J the sister of A!”

“Ang jologs naman ng mga teaser neto. JasAnother and Camback. Ano ba yan parang pronunciation e majang maja talaga. Lol”

Ikaw anong masasabi mo dito?

Dani Barretto naging emosyonal sa kinalabasan ng transpormasyon ng kanilang bahay

Beauty Gonzales pumirma na ng kontrata sa GMA Network, certified Kapuso na din