in

Janus Del Prado may pasaring sa mga nega sa paglipat ng kaibigan na si Bea Alonzo sa Kapuso Network

Janus Del Prado muling ipinagtanggol si Bea Alonzo.

Muling pinatunayan ni Janus Del Prado na handa siyang ipagtanggol si Bea Alonzo kahit kanino man.

Kamakailan nga ay naging mainit na usapin ang paglipat ni Bea ng istasyon makatapos ang dalawang dekada sa ABS-CBN.

Noong July 1, 2021, pumirma ng eksklusibong kontrata sa GMA Network si Bea.

Marami ang na-excite sa move na ito ng aktres pero marami naman ang pinaratangan si Bea na walang utang na loob.

Tila iniwan daw kasi ni Bea ang ABS-CBN sa gitna ng pagkalugmok ng network.

Kaya naman, to the rescue agad si Janus para ipagtanggol ang kaibigan.

Hindi man niya deretsahang tinukoy ito pero base sa kanyang Instagram post ay para sa mga bashers ito ni Bea.

Nagpost si Janus ng isang quote tungkol sa loyalty, at kalakip nito ay isang mahabang caption ukol dito.

“Bago niyo nga pala sabihan na hindi marunong tumanaw ng utang na loob yung tao, make sure na may utang na loob na kailangan tanawin,” bahagi ng caption ng aktor.

Sinabi rin nito na kung nassan man daw ang tinutukoy niya ay dahil pinaghirapan niya ito.

“It’s not like they gave her handouts, pinaghirapan niya naman kung nasan siya ngayon. At kumita din naman sila ng malaki sa karera niya.”

Sa huli ay sinabi ni Janus na tigilan na ang pangungutya sa mga umalis o lumipat ng istasyon.

Dahil aniya kailangan din nilang mga artista na magtrabaho para sa sarili nila at mga taong umaasa sa kanila.

Naging magkaibigan sina Bea at John Lloyd nang magkasama sila sa pelikulang “One More Chance”

At “Thursday group” kung tawagin nila ang kanilang samahan hanggang ngayon.

83-years-old na lola, pag-akyat sa 30feet na puno ng kawayan ang kabuhayan

Dating child wonder na si Serena Dalrymple nagpahiwatig na engaged na siya sa kanyang Foreigner boyfriend