in

Janno Gibbs naglabas ng hinanakit sa ABS-CBN dahil sa kanyang cancelled guesting

Janno Gibbs may hinanakit sa giant network na ABS-CBN.

Naglabas ng saloobin ang aktor na si Janno Gibbs tungkol sa Kapamilya Network. Dahil ito sa cancelled guesting umano niya.

Sa kanyang Instagram post, na ngayon ay deleted na, masasabing matindi talaga ang hinanakit ng aktor sa nangyari.

Ayon kasi kay Janno, dapat daw ay may guesting siya sa long time running noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime noong October 10.

Pero nakansela daw ito sa hindi nasabing dahilan ni Janno. Nag post siya noong October 11.

Aniya, “[I] was scheduled to guest on [It’s} Showtime to promote Mang Jose. But the guesting was cancelled last night.”

Ibinalik din ng actor comedian noong unang pag kansela din daw ng kumpanya sa kanyang guesting din noon.

“Hanggang ngayon pa ba naman ABS? Noong Sanggano Part 1 alam niyo bang si Andrew at Dennis lang ang pinayagan mag guest. Ako bawal.”

Hindi pa natapos ang post ni Janno dito. Naisumbat niya din ang mga panahon na naki simpatya umano siya noong ipinaglalaban ng ABS-CBN ang kanilang prangkisa.

“Masyado naman matindi ang galit niyo sa akin,” mensahe ng aktor.

Ano nga ba ang naging ugat ng iringan ng ABS-CBN at ni Janno Gibbs?

Engrandeng wedding reception ng kasalang Ellen Adarna at Derek Ramsay kinagiliwan sa social media

Kylie Padilla nakatanggap ng papuri mula sa mga fans na nagkaroon ng chance na makita siya sa personal