in

Janella Salvador Ipinasilip Na Ang Maternity Shoot Sa Unang Pagkakataon!

Ipinakita na ni Janella Salvador ang kanyang maternity photoshoot sa unang pagkakataon!

Matapos ang ilang buwan nang ipakilala ni Janella at ng kanyang nobyo na si Markus Peterson.

Matatandaan na hindi pa ipinaalam agad sa publiko ang pagbubuntis noon ng aktres. Hanggang sa dumating ang New Year at ipinakilala sa lahat si baby Jude.

Simula noon, naging mas bukas sa kanilang fans ang celebrity couple at proud na pinapakita sa madla ang little milestones ng kanilang baby boy.

Ipinakilala ng dalawa si baby Jude sa pamamagitan ng vlog.

Ngayon nga, first time na nag upload ng kanyang naging maternity shoot si Janella. Bago pa siya pumunta ng United Kingdom para manganak, nagkaroon na ng maternity shoot si Janella dito sa Pinas.

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Araw ng mga Ina, ibinahagi na ni Janella ang kanyang mga larawan na kuha naman ng celebrity photographer na si Mark Nicdao.

“There are no words to perfectly describe what being a mum is like so far…

but one thing I have learned is that although I may have somehow lost myself, I gained my purpose.”

Marami naman sa kanyang nga fans ang natuwa dahil sa wakas, may nakita na din silang mga larawan ni Janella noong ito ay nagbubuntis pa.

Binati din siya ng kanyang mga tagasuporta para sa Mother’s Day na ipinagdiwang kahapon, May 9.

Tunay na ugali ni Sarah Geronimo ibinunyag ng isang concert director

TIGNAN: Mamahaling Bag Collection Ni Kim Chiu Pinasilip Sa Fans!