in

Janella Salvador ipinakilala na bilang gaganap na Valentina sa Darna TV series

The long wait is over.

Ipinakilala na nga sa publiko kung sino ang gaganap bilang mahigpit na kalaban ni Darna na si Valentina.

Sa post ngayong araw November 19, ng ABS CBN ay inanunsyo nilang si Janella Salvador. Ang siyang gaganap sa iconic kontrabida role.

Saad sa kanilang post, “NAHANAP NA ANG KATAPAT NI DARNA. Muling mapapanood sa telebisyon si Janella Salvador sa kaniyang pagganap bilang Valentina sa “Darna: The TV Series.”

Sa isang tila presscon naman ay makikitang magkasama sina Jane De Leon na gaganap bilang Darna. At si Janella bilang pinakabagong Valentina.

Nakasuot si Jane ng white dress, at emerald green naman ang kay Janella.

Matatandaan na si Janella talaga ang hula ng mga netizens na gaganap bilang Valentina.

Ilan pa nga sa mga naunang umutang ang mga pangalan noon. Ay sina Yassi Pressman, Ariella Arida, Jackie Rice at AJ Raval na nag-audition daw para sa nasabing iconic kontrabida role.

Kinoconsider din ng ilan sina sina Ivana Alawi, Janine Gutierrez, Anne Curtis, Julia Barretto, at Janella Salvador para sa nabanggit na papel.

At sa lahat ng mga pagpipilian ay pinaka matunog ang pangalan ng first time mom na si Janella.

At muli hindi nagkamali ang mga netizens sa kanilang hula.

Dahil si Janella na nga ang ipinakilalang magiging mahigpit na kalaban ni Darna.

Ito din ang unang big role na natanggap ng aktres matapos ang pamamahinga sa showbiz.

Halos dalawang taon din kasing namahinga ang aktres dahil isinilang niya ang anak nila ni Markus Paterson.

Paolo Contis nabuking ng netizen, may pasikretong mensahe para kay Yen Santos sa Instagram

Barbie Imperial kinwestyon ang Big Boss ng Viva kung bakit laging may intimate scene ang nobyong si Deigo Loyzaga