in

Janella Salvador hayagang ibinahagi na not in good terms na sila ngayon ni Julia Barretto

Tapat na inamin ni Janella Salvador na hindi na sila nag-uusap ngayon ng dating kaibigan na si Julia Barretto.

Naging guest kamakailan si Janella sa vlog ng PBB twins na sina Joj at Jai Agpangan. Kung saan hinalungkat ng kambal ang pagkakaibigan noon nina Janella at Julia.

Kaugnay ito ng naging isyu noon ng dalawang aktres nang i-unfollow nina Janella at Joshua Garcia si Julia sa Instagram.

Hinuha noon ng netizens ay nag friendship over sina Julia at Janella dahil sa naging isyu noon ng aktres sa dating kasintahan.

Malapit kasi na magkaibigan noon sina Julia at Janella pero ng mahiwalay ang una kay Joshua ay hindi na sila nagpansinan.

Naging close din kasi si Janella kay Joshua ng maging magkatambal sila sa teleseryeng “The KiIIer Bride” noon.

“Kamusta kayo ni Julia Barretto?” tanong nina Joj at Jai. Tapat namang inamin ni Janella na hindi na sila nakakapag-usap ng dating kaibigan.

Saad ni Janella, “Honestly, hindi na kami nag-uusap ngayon ni Julia.” Pero aniya nang malaman daw noon ni Julia na buntis siya ay nag reach out daw ito sa kanya.

“There was an issue before, hindi ko na sasabihin kung ano, alam niyo na yun. Nag-reach out siya nung malaman niyang buntis ako. Pinadalhan niya ako ng balloons tapos nag-thank you ako.”

Bagamat not in good terms daw sila ngayon ay bukas naman daw si Janella sa muli nilang pag-uusap ni Julia. In the near future.

“Pero open naman ako sa future kung mag cross paths again. Pero right now hindi pa kami nag-uusap,” dagdag pa ng aktres.

Panoorin dito ang kabuuan ng interview nina Joj at Jai kay Janella:

Vice Ganda napaisip kung ano kaya ang nararamdaman ng mga anak ng corrupt officials

Helicopter na sinakyan ng bagong kasal na sina Kris Bernal at Perry Choi usap-usapan ngayon online