in

Jake Ejercito muling bumalik sa Siargao para sa anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie

Muling nag-stay ng Siargao ang Star Magic talent na si Jake Ejercito.

Ito ay para suliting muli ang bonding moments nila ng anak niya kay Andi Eigenmann na si Ellie.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Jake ang pagbabalik nila ni Ellie sa napakagandang isla ng Siargao.

“and we back and we back” saad ni Jake kalakip ang litrato na mga mata lamang nila ni Ellie ang kita.

Bago pa man ito ay ibinahagi ni Jake ang litrato nilang mag-ama na natutulog sa couch.

Ito ay kuha sa bahay nila Jake sa Manila kung saan nag-stay muli si Ellie bago bumalik ng Siargao para ipagdiwang ang 2nd birthday ng kapatid niyang si Lilo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)

Samantala, sa series of Instagram post ni Jake ay makikitang inenjoy niyang muli ang pagbabakasyon sa isla.

Ilang litrato ang kanyang binahagi kung saan makikitang enjoy sila ni Ellie sa kanilang bonding sa dagat.

May litrato din ng ilang kulitan ng mag-ama na talaga namang kinagigiliwan ng mga netizens.

May video din na nagpapakita kung gaano kasaya ang mag-ama habang nag-si-swimming.

Maraming netizens naman ang tila giliw na giliw sa samahan ng mag-ama, saad pa nga ng ilan ay ibang klaseng tatay daw si Jake.

Marami ang pumupuri sa aktor sa kakaibang closeness nila ng kanyang unica hija.

DJ Loonyo nag-sorry kay Toni Fowler dahil sa mga pangyayari noon nang magkita sila sa ‘Battle Of YouTubers’

JK Labajo ikinampanya ang girlfriend na si Maureen Wroblewitz sa pagsali nito sa Miss Universe Philippines 2021