in

Jaclyn Jose, binalaan si Albie Casiño sa mga patutsada nito kay Andi Eigenmann

Jaclyn Jose, binuweltahan na ang mga naging pahayag ni Albie Casiño sa dating nobya na si Andi Eigenmann.

Isa si Albie sa mga celebrity housemates ng Pinoy Big Brother celebrity edition.

Nag viral ang mga naging pahayag ng aktor na tila may malalim na kahulugan tungkol sa ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.

Bagamat tahimik ang dating aktres tungkol dito, may babala naman ang kanyang ina sa batang aktor.

Sa kanyang Instagram, nag labas ng pahayag si Jaclyn na diretsahang sinabihan si Albie maging si Lauren Dyogi.

“Pls nakikiusap ako wag nio galawin apo ko. 1 decada Lauren, pls stop this. Wala pupuntahan to kaibigan kita for so long…

Wag kong hayaan mag terialized ng Pbb ng Albie lang… sasagutin ko sila…”

Nakisuap ang batikanang aktres na wag daw hayaang sirain ni Albie pangalan ng kanyang anak. Handa daw siyang sumagot at lumaban kung kinakailangan.

“Nakikiusap ako nananahimik na si Andi… pero may sagot ako overboard din i just want to keep quiet.”

Bukod dito, naging mainit din ang huling banat ng ina ni Andi tungkol sa nakaraan nila ni Albie.

“Gusto mo sabihin ko in publik kung paano mo bugbugin ang anak ko? Kahit buntis? Try moko,” paghamon ni Jaclyn sa aktor.

Si Albie ang tinuturong ama noon ng pagbubuntis ni Andi.

Dimples Romana mala-teen age ang aura sa kanyang Instagram post!

Nadine Lustre muling pinatulan ang “Marites” na si Cristy Fermin matapos siyang patutsadahan na naman nito!