in

Jaclyn Jose bilib sa buhay na mayroon ngayon ang kanyang anak na si Andi Eigenmann

Aminado ang batikang aktres na si Jaclyn Jose na malaki ang paghanga niya sa anak na si Andi Eigenmann.

Kamakailan lang ay naging guest si Jaclyn sa vlog ni Ogie Diaz. Dito ay ibinahagi niya ang paghanga niya sa tapang ni Andi.

At ang husay nito sa pag-aalaga at pagpapalaki ng sarili nitong mga anak.  Ani Jaclyn hindi daw niya kaya ang ginawa ni Andi.

Matatandaan na iniwan ni Andi ang kanyang glamorosong buhay sa Maynila. At pinili ang simpleng pamumuhay sa isla ng Siargao.

Sa isla na rin nakatagpo ng kanyang partner si Andi at bumuo ng sarili nilang pamilya.

Ayon kay Jaclyn, bukod sa paghanga kay Andi ay marami daw siyang natutunan sa anak. Bilib na bilib daw siya kung paano ito maging hands on sa kanyang tatlong supling.

Siya daw kasi ay hindi niya nagawa ito sa dalawa niyang anak. Naubos daw kasi ang oras niya sa pagtatrabaho para mabuhay niya ang kanyang mga anak.

Ikinwento din ni Jaclyn na naaawa din siya kay Andi, lalo na na mag-isa lang itong nagaasikaso sa kanyang mga apo. Ito ay noong kamakailan lamang na nagbakasyon sila Andi sa bahay ng kanilang nanay.

Habang nasa isang mall daw sila ay karga karga ni Andi ang dalawa niyang anak. Binulungan pa niya ito na wala siya sa Siargao at nasa Makati siya.

Ngunit tanging sagot lamang ni Andi ay wala siyang pakialam. At hindi niya hahayaang mapagod ang kanyang mga anak sa paglalakad.

At doon pa mas lalong bumilib si Jaclyn sa kanyang panganay.

Panoorin dito ang kabuuan ng usapan nina Jaclyn at Ogie:

Pag-crop ni Luis Manzano sa mukha ni Alex Gonzaga sa isang litrato ikinawindang ni Jessy Mendiola

Para makatulong sa pagpapaayos sa lugar, Willie Revillame nagbigay nga tig-isang milyon sa siyam na Mayor ng Siargao