in

Ivana Alawi napangaralan ng kaniyang pamilya dahil sa pagbili ng mamahaling sasakyan

Prank gone wrong ang nangyari sa sikat na YouTube vlogger na si Ivana Alawi.

Isang prank na naman muli ang pinlanong gawin ng aktres at content creator na si Ivana Alawi sa kaniyang ina at kapatid.

Tungkol sa pagbili sana niya ng isang Lamborghini na nagkakahalaga ng 11.5-M.

Bukod sa pakikipag-usap at pakikipag kuntyaba sa isang kaibigan na may alam pagdating sa mga high-end cars.

Kinuntyaba din ni Ivana ang kaniyang kapatid na si Hashim para gawin ang prank.

Unang tinawag ni Ivana ang kanyang kapatid na si Mona.

Nanghihinayang si Mona dahil aniya hindi smart decision ang pagbili ng mamahaling sasakyan lalo na’t may pandemya.

Ang pera umanong ipangbibili niya sa sasakyan ay marami na umanong matutulungan.

Sa kabila ng mga effort na ginagawa ni Ivana para kumbinsihin ang kapatid na maging masaya sa kaniyang bagong sasakyan, hindi pa din nagbabago ang reaksyon ni Mona at sinasabi ng paulit-ulit kay Ivana na hindi na niya dapat itong binili.

Ngunit nang banggitin na ni Ivana na prank lang ito ay natuwa naman si Mona. Sumunod naman na tinawag ni Ivan si Mama Alawi.

Hindi katulad ng reaksyon ng kaniyang kapatid, si Mama Alawi ay hindi lamang sang-ayon sa desisyon ni Ivana.

Na kumuha ng Lamborghini kundi nagalit din siya sa kaniyang anak.

Sinabi niya na hindi ito ang tamang panahon para bumili ng mga mamahaling bagay. Sinubukan naman ni Fatima na kumbinsihin ang aktres na ibalik ang sasakyan kung saan kaagad naman na tinawagan ni Ivana ang dealer sana ng Lamborghini.

Maya maya lamang ay sinabi na niya sa kaniyang ina na ito ay prank lamang dahilan para siya ay makatikim ng batok sa ina.

Panoorin dito ang kabuuan ng vlog ni Ivana:

Kisses Delavin pina-wow ang kanyang mga fans sa pinakabagong photoshoot for Miss Universe Philippines 2021

Simpleng kasalan, simpleng kasuotan, Angel Locsin lubos ang kasiyahan sa pagiisang dibdib nila ni Neil Arce