in

Ivana Alawi nais makita at makilala ng personal ng prinsipe ng Brunei na si Prince Abdul Mateen Bolkiah

Aktres at sikat na vlogger na si Ivana Alawi pang international na din ang beauty!

Isa si Ivana Alawi sa mga pinakasikat na vloggers ngayon sa Pilipinas. Dahil sa kanyang taglay na kagandahan, hindi na nakakapagtaka kung bakit marami ang nahuhumaling sa 24-anyos na aktres na ito.

Sa katunayan, aminado si Ivana na maraming lalaki ang nagtatangkang bihagin ang puso niya, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nagtatagumpay.

Sa ngayon ay mayroon na siyang higit sa 13.2 million subscribers sa kaniyang YouTube channel. Dahil rin dito ay mas marami pang proyekto ang ipinagkatiwala sa kaniya.

Dahil sa kaniyang kasikatan ngayon ay hindi na nakapagtatakang marami ang humanga sa kaniya. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang diumano ay pagnanais ng prinsipe ng Brunei na makilala ng personal ang dalaga.

Nagandahan daw kasi si Prince Abdul sa sexy actress nang mapanood niya sa YouTube.

Ang tagapag-alaga ng mga kabayo ng prinsipe ay masugid na tagahanga ni Ivana Alawi at pinanonood niya ang lahat ng vlogs ng sexy actress sa YouTube.

Kaya, napanood din ito ni Prince Abdul Mateen Bolkiah at nagtatanong na ito kung paano makikilala nang personal si Ivana.

Kabilang sa royal family sa Bruinei si Prince Abdul Mateen. Isa siya sa mga anak ng Kagalang-galang na si Sultan Hassanal Bolkiah sa pangalawa nitong asawa na si Puan Hajah Maryam.

Bukod sa pagiging miyembro ng royal family, kilala rin ang bachelor prince sa galing niya sa larangan ng sports. Sa katunayan, nag-compete siya bilang isang professional polo player sa South Asian Games noong 2017 at 2019.

Maliban dito ay nakapagtapos din siya ng Master’s Degree sa International Studies and Diplomacy

Isang binata na naghahanap ng kanyang katuwang sa bu’hay kung maituturing si Prince Mateen.

At si Ivana Alawi na nga kaya ang kanyang napili?

Former PBB Housemate na si Lie Reposposa, ginulat ang marami sa kanyang glow-up transformation

JM De Guzman volunteer firefighter na din, kasama sa mga rumesponde sa suno6 sa Maynila