in

Ivana Alawi isang milyong piso ang iniregalo sa kanyang ina para sa kaarawan nito

Isang sorpresa ang inihanda ni Ivana Alawi para sa kaarawan ng kanyang pinakamamahal na ina.

Binigyan ni Ivana ang kanyang inang si Fatima Alawi or mas kilalang Mama Alawi. Ng P1 milyon na sorpresa sa kaarawan nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Habang ang kanilang pamilya ay nasa Tanauan, Batangas, para sa fruit picking trip ng mga ito.

Ayon kay Ivana, ayaw ni Mommy Fatima ng materyal na bagay bilang regalo. Ayaw nitong magpabili ng kahit ano. Mas gusto ng mommy nila na magbigay sa iba kaysa sa siya ang bigyan. Kaya nag-decide si Ivana na cash na lang ang iregalo sa kanyang mommy.

“Ayaw niya ng gamit kasi sayang. Gusto niyang bumili ng pagkain para sa ibang tao,” pagbabahagi ni Ivana.

Matagal nang request ni Mommy Fatima sa kanyang mga anak na sana ay makapag-bonding sila sa pamimitas ng mga prutas. Dito nga nakuha ni Ivana ang idea kung paano sosorpresahin si Mommy Fatima.

Nagkunwari ang aktres at ang kanyang mga kapatid na sina Mona at Hash na maglalaro sila kung saan ang makakapulot ng pinakamaraming ubas sa loob ng isang minuto ay mananalo ng premyo.

Nagsabit si Ivana ng 10 tseke na nagkakahalaga ng P100,000 bawat isa sa pasyalan na kanilang binisita.

Pitong tseke lang ang nakuha ni Mama Alawi nang maubos ang timer sa laro, ngunit sinabihan siya ng aktres na hanapin pa ang tatlong tseke.

Umabot sa sampung piraso na Php100,000 ang mga napitas ni Mama Alawi na labis niyang ipinagpapasalamat.

Narito ang kabuuan ng kanilang vlog:

Dahil sa pagkalat ng itsura ng costume, Darna TV series pinangangambahang baka matulad sa Dyesebel

Karla Estrada ibinahaging na-stress na ang anak na si Daniel Padilla dahil sa pagpasok nila ni Rommel sa pulitika