in

Ivana Alawi inalala ang pangyayaring sinigaw-sigawan siya ng isang batikang TV host

Binalikan ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi ang isang alaala na nagpaiyak sa kanya noon.

Ito ay nang ipahiya siya ng isang TV host sa harap ng ibang mga artista.

Idinetalye ni Ivana Alawi kung paano siya inaway at pinagsisigawan umano ng isang Kapamilya TV host.

Naiyak na lang daw si Ivana dahil ginawa ito sa harap ng mga kapwa niya artista kahit wala siyang kasalanan.

Ito ay ikinwento niya sa kanyang vlog.

Sumabak si Ivana sa “Sagot O Lagot” challenge kung saan may mga itatanong sa kanya sa game. Pwede niya itong sagutin pero kung ayaw niya kailangang pumili siya sa mga “exotic food” na nasa kanyang harapan bilang parusa.

Isa sa naitanong sa kanya ay kung may nakaaway na ba siyang artista.

“Wala akong nakaaway. May nang-away sa akin,” paglalahad ni Ivana.

Nangyari raw ang insidente sa kasagsagan ng kinabilangan niyang Kapamilya teleseryeng Sino ang May Sala?: Mea Culpa, na umere mula April hanggang August 2019.

Kwento ni Ivana kasama daw niya noon ang kanyang PA ngunit lumabas daw ito sa dressing room.

Hindi na daw umano kasi kasya dahil marami silang artista doon.

Tumawid daw ang PA ni Ivana sa katapat na dressing room para doon makiupo.

Doon daw tumambay ang P.A. at naghintay kung sakaling kailanganin siya ni Ivana. Sabi ni Ivana, “Hindi pa kami nagsisimula nito, so nag-antay lang ako doon. Nakaupo ako dun.”

Hindi raw inasahan ni Ivana ang mga sumunod na eksena.

“Biglang may sumugod na batikang host, and then sumugod siya.”

Nakilala raw agad ni Ivana ang host dahil idolo niya ito at laging pinapanood noong bata pa siya.

Pinagsisigawan at dinuro duro daw siya ng host na ito na talaga namang ikinagulat niya.

Paglilinaw ni Ivana wala naman daw siyang sama ng loob sa TV Host.

Silipin ang pinaka engrandeng kasalan ng ilang kilalang celebrity sa Pilipinas

Silipin ang mala-fairy tale na pamumuhay ngayon ng dating aktres na si Jewel Mische