in

Ivana Alawi inalala ang kauna-unahan niyang trabaho noon sa Bahrain kasama ang kapatid na si Hashim

Ibinahagi ni Ivana Alawi ang kanyang unang trabaho noon bago pa siya pumasok sa showbiz.

Hindi ipinagkakaila ng actress-YouTuber na si Ivana Alawi na nagtatrabaho siya noon bilang waitress sa kanilang family’s restaurant sa Bahrain.

Ibinahagi ito ni Ivana sa vlog ng kanyang kapatid na si Hashim Alawi.

Sa YouTube vlog na ibinahagi ni Hash sa kanyang sariling YouTube channel, nagpaligsahan ang dalawang kapatid niyang sina Mona at Ivana  kung sino ang mas nakakakilala sa kanilang kapatid na si Hash.

Isa sa mga naitanong ni Hashim ay kung ano ang kanyang unang naging trabaho. Bilang nagkasama sila noon, alam na alam iyon ni Ivana. Gayunpaman, si Mona ay hindi na nila nakasama doon dahil mas bata ito ng di hamak sa kanila.

At dito ay inalala nga ni Ivana ang karanasan niya noon sa kanyang unang trabaho.

“Waiter / cleaning table in resto.”:sagot ni Ivana

Sabi ni Ivana sila raw ng kanyang kapatid na si Hash ang nagiging waiter doon sa restaurant ng kanyang ama.

“Eh pareho kameng waiter, waitress ako… ako taga punas dun, kasi dati sa Bahrain meron kaming restaurant tapos ako yung taga punas… Si dad kasi yung may ari nung restaurant so kami yung nag ano… ginagawa niya kaming mga waiter, waitress para kumita kami ng pera parang ganun… Tas nahihiya akong kunin yung mga order nung mga tao kasi parang sosyal.”

Masaya ring naikwento ni Hash na tuwang-tuwa pa silang magkakapatid noon habang ginagawa ang kanilang mga trabaho at nag-uunahan pa silang magpunas ng mga lamesa.

Tunay nga na sa kabila ng tagumpay na tinatamasa nila sa ngayon ay nananatili pa rin ang kanilang mga paa na nakatapak sa lupa.

Narito ang kanilang video:

Lovely Abella at Benj Manalo nakabili na ng sariling bahay mula sa kinikita nila sa online selling

Jinkee Pacquiao nagbalik tanaw sa buhay probinsya, sumakay ng kalabaw kasama ang dalawang anak na babae