in

Ivana Alawi hindi napigilan ang kanyang emosyon ng alalahanin ang huling sandali kasama ang kanyang ama

Nagbalik tanaw si Ivana Alawi sa mga huling sandali bago mamaalam ang kanyang ama noong 2018.

Sa kanyang latest vlog ay ipinagdiwang in Ivana at kanyang pamilya ang kaarawan ng kanilang Daddy Samier Al-Alawi.

Sa nasabing vlog, ibinahagi ni Ivana na tinext at tinawagan pa daw siya ng kanyang ama bago ito tuluyang mamaalam.

“Nung bago siya nam’ata’y, he texted me. ‘Can you come to the hospital?’ he was at the beach sa Subic. I went there and sabi niya, ‘Picture tayo’ nag picture kami and then after ng mga five minutes saka siya na’m’a’tay.”

“And then after no’n ibiniyahe na yung body niya to Bahrain, doon niya kasi gustong magpalibing kasi andun yung family niya.”

Ayon pa kay Ivana pagdating niya sa ospital ay binati agad siya ng mga staff doon. At tinanong niya ang mga ito kung paano nalaman na cast siya sa “Ang Probinsyano.”

“Sabi ko, ‘Huh? Pano niyo nalaman?’ ‘Eh kanina pa pinagmamalaki ni sir nasa Probinsyano ka raw.’ Na-touch ako dun,” saad ng dalaga.

Dagdag pa niya, “Alam niyo naman na sa Probinsyano, sexy yung role ko dun so the point na parang tinanggap niya na proud siya sakin.”

Matapos nga noon ay nagpicture-picture na silang mag-ama.

“After nun, sabi ko, ‘Sige dad, ayusin ko na yung ano.’ Kasi andun na yung ambulance, kailangan ayusin para makalipat agad siya sa mas magandang facility. Tas paglabas ko, wala na. Inintay niya akong tumalikod.”

Ipinanganak si Ivana sa Bahrain, pero lumipat ng Pilipinas matapos maghiwalay ang mga magulang noong seven years old pa lamang siya. Ayon kay Ivana, inakala niya noon na nagkaroon na ng ibang pamilya ang ama. Pero kalaunan na lang nang malaman niyang hindi.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang vlog:

Helicopter na sinakyan ng bagong kasal na sina Kris Bernal at Perry Choi usap-usapan ngayon online

Kim Atienza proud daddy, anak niyang lalaki isang ganap na piloto na ngayon