in

Ivana Alawi handang ubusin kung ano man ang meron siya para sa kalusugan ng kapatid na si Mona

Family-oriented, a woman who will give everything for her family.

Ganito kung ilarawan ng marami si Ivana ng mapanood ang interview niya sa vlog ni Ogie Diaz ngayong araw.

Sa kanilang pag-uusap, una nilang tinalakay ang mga rejections in life ng sikat na vlogger. Ginawa umano niyang inspirasyon ito to strive hard in life.

Ayon pa sa dalaga ay kuntento na siya kung ano man ang meron siya ngayon and she can’t ask for more.

Tinalakay din nila ni Ogie ang tungkol sa paghanga niya sa aktor na si Joshua Garcia. Inamin ni Ivana na nagkakausap sila through direct message ni Joshua sa Instagram.

Pero wala pa sila sa getting to know each other stage or any romantic relationships. Nag-uusap daw sila paminsan as a friend.

Naibahagi din ni Ivana na isa si Joshua sa pinapangarap niyang makatrabaho in the near future. Inamin din niya na hindi pa sila nagmi-meet in person.

Sa bandang huli ng kanilang pag-uusap ay naitanong ni Ogie ang tungkol sa kalusugan ng bunsong kapatid ni Ivana na si Mona.

Dito ay sinabi ng aktres na handa siyang ibigay ang lahat para mapabuti ang kalusugan ni Mona. Kaya umano niyang i-give up ang lahat para lamang gumaling ito.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na diabe’tic si Mona at nagte-take na ito ng insulin. Kahit pa nga mismong si Mona na daw ang umaayaw ay hindi niya ito pinapakinggan.

Tuwing nakikita niya daw na pinanghihinaan ng loob si Mona ay umiiyak na lamang siya. At dito na naging emosyonal si Ivana.

Lagi niya umanong sinasabihan ang kanyang bunsong kapatid na lumaban. Kahit puro sakit ang nararamdaman nito.

Ayon pa kay Ivana ang kanyang pamilya ang inspirasyon niya sa buhay.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang usapan:

Nadine Lustre ayaw pang magka-anak sa ngayon, mas gusto munang mag-ampon

Mga suot na alahas ni Heart Evangelista sa Balesin Island milyones ang halaga