in

Ivana Alawi binilhan ng bagong motor ang kapatid na si Hashim makatapos niya itong hindi pansinin ng isang buong araw

Hindi man pinansin ng isang buong araw, Ivana Alawi sinurpresa ang kapatid na si Hashim ng isang brand new motorcycle.

Hindi nagpatalo si Ivana Alawi sa mga kapatid at inang nagpaiyak sa kanya sa isang prank.

Kung saan hindi siya pinansin ng mga ito.

Alam naman ng lahat na sumikat si Ivana sa vlogging dahil na rin sa mga nakakatuwang prank content niya.

Dagdag pa rito na kasama niya ang kanyang buong pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Tuwing may prank na ginagawa si Ivana ay sinusuklian naman niya ito ng isang surpresa.

At ilang beses na itong pinatunayan ni Ivana.

Sa kanyang latest vlog ay panibagong prank na naman ang kanyang ginawa.

At ang kanyang ipa-prank ay ang kanyang kapatid na lalaki na si Hashim Alawi.

Ang gagawin ni Ivana ay hindi niya papansinin si Hash ng isang buong araw.

At syempre kasabwat niya dito ang bunso niyang kapatid na si Mona at pati na din si Mama Alawi.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Nagpunta sila sa Tagytay at si Hash ang kanilang driver.

Habang nagsasalita si Ivana ay sinasagot siya ni Hash pero hindi niya pinapansin ang kapatid.

Kahit pa magkatabi silang dalawa sa front seat.

Samantala sa likod naman ng sasakyan ay sina Mama Alawi at Mona na hindi naman mapigilan ang tawa.

Hanggang sa nagliwaliw na nga ang buong pamilya sa kanilang paglalakwatsa. Pero still, dedma pa din si Hash sa kanilang pamilya.

Kaya naman nanahimik na lamang ito. Ngunit pag-uwi nila ng bahay ay isang napakagandang surpresa pala ang naghihintay.

At ito nga ay ang isang brand new motorcycle na nais bilhin ni Hash.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video:

Sen. Manny Pacquiao mamamahagi ng ayuda sa mga sundalong sakay ng C-130 air craft na bumagsak kamakailan

83-years-old na lola, pag-akyat sa 30feet na puno ng kawayan ang kabuhayan