in

It’s another baby boy! Kaye Abad ipinakilala na sa publiko ang 2nd baby na si baby Iñigo

Isinilang na ng aktres na si Kaye Abad ang pangalawang anak nila ng mister na si Paul Jake Castillo.

Noong Lunes, Septemeber 13, ibinahagi ni Kaye sa Instagram na nanganak siya noong September 2.

Sa kanyang caption ay ibinahagi niya ang pangalan ng kanilang 2nd baby boy, aniya, “Meet Iñigo Leon Castillo. Sept. 2,2021. ”

Agad namang umani ng congratulatory message sa comment section ng post ni Kaye. Binati sila ng mga kaibigan nila sa industriya.

Ang ilan dito ay sina Divine Lee, Sunshine Garcia, Carla Abellana, Ahron Villena, Dionne Monsanto, Chito Miranda, Nikki Valdez, Regine Angeles, Ciara Sotto, Liz Uy, Isabel Oli-Prats.

Pati na din ang celebrity stylist na sina Kimi at Boop Yap ay masayang masaya para sa mag-asawa.

Samantala, sa kanilang YouTube channel na Kaye & Paul Jake, ipinakita ng celebrity couple ang kanilang mga pinagdaanan bago maipanganak ang kanilang baby boy na si Iñigo.

Makikitang ilang beses na pabalik-balik sa ospital si Kaye na lagi ring sinasamahan ni Paul Jake. Para ma-monitor na ang lagay ng baby dahil kabuwanan na niya.

Ngunit sa huling check up sa kanya ng kanyang doktor, hindi na pinauwi si Kaye noong Agosto 31 upang maayos na mabantayan ang kalagayan nito.

Pero ilang araw pa rin ang kanilang hinintay at finally noong September 2 ay nanganak na nga si Kaye sa kanilang bunso.

Sa nasabing vlog ay ibinahagi din ni Kaye ang kanyang mga karanasan sa kanyang 2nd pregnancy journey.

Ipinakita din sa kanilang video ang emosyonal na muling pagkikita nina Kaye at panganay na si Joaquin. Na ilang araw ding nawalay sa kanya.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video:

Dalawang dalaga may reklamo din sa programang Raffy Tulfo In Action laban sa vlogger na si Whamos Cruz

Ivana Alawi sumuko sa kanilang “SPICY FOOD FOR 24 HOURS CHALLENGE” kasama ang kanyang mga kapatid