in

Ito na ngayon ang buhay ng dating sikat at napakagandang aktres na si Charee Pineda

Magmula iwan ang industriya ng showbiz, ito na ang buhay ngayon ng dating aktres na si Charee Pineda.

Kung kilala niyo pa ang napakagandang aktres na si Charee. Ay isa kayo sa nakasubaybay sa loveteam nila noon ni Jm De Guzman.

Sikat noon si Charee hindi lamang dahil sa angkin niyang kagandahan kundi pati sa husay niya sa pag-arte. Kaya naman kabi-kabila din ang proyekto niya noon sa showbiz.

Mas nakilala nga siya noon nang magsama sila ni JM sa seryeng ‘Angelito ang Batang Ama’. Kung saan nakita talaga ang kanyang potensyal sa pag-arte.

Ngunit ilang taon lamang na namayagpag sa industriya ay unti-unti ding iniwan ni Charee ang showbiz. At mas pinili niyang pasukin ang buhay pulitika.

Sa kasalukuyan nga ay isa siyang konsehal sa Valenzuela pero bago pa ito ay naging Sangguniang Kabataan (SK) chairman siya mula 2007–2010. At abala na ngayon ang dating aktres bilang isang politician.

Taong 2020 naman ng ikasal si Charee sa boyfriend niya for seven years na si Martell Francesco Soledad. Pinsan ng kilalang TV personality na si Shalani-Soledad-Romulo.

Ilang buwan lang matapos ang kanilang kasal ay nagbuntis na din si Charee at November 2020 nang ipanganak niya ang kanilang baby boy.

Ngayon ay hands on mom si Charee sa kaniyang napakacute na si Baby Cesco.

Isang babae naging milyonarya dahil sa pagbebenta ng kanyang utot

19-years old na binata nag-propose sa 76-years old na ginang, kanilang relasyon usap-usapan ngayon online