in

Issa Prank! Couple vlogger na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad balik YouTube na ulit?

Mukhang balik vlogging na ang magkasintahang Jayzam Manabat at Camille Trinidad o tinawag na JaMill ng kanilang mga fans.

Halos isang buwan lang ang nakalipas ng ianunsyo ng JaMill na binura na nila ang kanilang YouTube channel. Na mayroong higit na 12 million subscribers.

Anila, gusto daw muna nilang mag-focus sa kanilang relasyon at mamuhay na lang ng simple.

Hanggang sa napabalita na ibinebenta na nila ang kanilang naipundar na bahay at mamahaling sasakyan.

May kumalat din na balita na kaya daw binura ng magkasintahan ang kanilang YouTube channel ay dahil umiiwas sila sa BIR.

Malaking tax daw kasi ang ipapataw sa JaMill kaya biglaan ang pag delete ng kanilang channel.

Hinala naman ng mga netizen, maaaring sila ang blind item ng Bureau of Internal Revenue kaugnay sa influencers na nag-delete ng social media account dahil ayaw magbayad ng buwis.

Pero kahapon, September 14, tila nagpahiwatig ang magkasintahan sa kanilang pagbabalik sa vlogging.

Sa Instagram Stories ni Camille, makikita ang larawan ng isang camera na kanilang ginagamit sa pagba-vlog at isang video kung saan makikita si Jayzam na abala sa pag-eedit ng isang vlog na may caption pang “Bukas na (smiling emoji) abangan!!!”

May Tweet din si Camille na nagsabing “Bukas may upload tayo. Abangan nyo ito.”

Agad namang na-excite ang kanilang mga “mandirigma” sa balitang ito.

Mahigit tatlong taon ang itinakbo ng karera ng JaMill bilang YouTube vloggers. Sa loob din ng tatlong taon ay nakapagpundar sila ng mga magagarang sasakyan at nakapagpatayo ng isang malaking bahay.

Pero gaya ng ilang sikat na YouTube celebrity couple, minsan ding nasira ang relasyon nina Camille at Jayzam, ngunit agad naman nila itong inayos.

Coleen Garcia binalikan ang karanasan ng ipanganak si Baby Amari through water birth

Korina Sanchez isa-isang sinagot ang mga komento ng netizen sa ibinahagi niyang litrato ni Manny Pacquiao