in

Isang online seller na binansagang si “Madam Inutz” kinagigiliwan ngayon dahil sa strategy niya sa pagbebenta

Maraming netizens ang aliw na aliw ngayon sa online seller na si Daisy Lopez o mas kilalang  Madam Inutz.

Patok na patok ngayon ang online selling, dahil isa na umano ito sa makabagong style sa pagtitinda.

Kaya naman naglipana na ang mga onilne sellers na nagla-live selling sa iba’t-ibang social media platforms. Partikular na sa Facebook.

Kanya kanya silang strategy para lumakas ang kanilang benta.

At ngayon nga ay isang online seller ang kinagigiliwan ng maraming netizens dahil sa kakaiba niyang gawi.

Ito ay walang iba kundi si Daisy Lopez na binansagang Madam Inutz dahil “inutil” ang lagi niyang bukambibig.

Ang mga ibinebenta ni Madam Inutz ay mga damit na preloved or ukay-ukay.

Ngunit hindi ang mga paninda niya ang inaabangan ng kanyang mga viewers, kundi ang nakakatuwang personality niya.

Kamakailan nga ay hagalpak ang tawa ng mga netizens dahil sa isang damit na inilarawan niyang pangburol.

Kaba0ng ang code na ginamit niya para sa damit na kanyang isniuot dahil aniya all in one na ito.

Kwelang kwelang pumikit pa ito at umakmang nakahimlay at sinabihan ang mga miners niya na i-screenshot ito.

Bentang benta naman sa mga netizens ang kakulitan nitong si Madam Inutz.

Kinagiliwan ng mga netizens si Madam Inutz dahil sa mga nakakatuwang sayaw at mga salita na binibitawan nito habang ngla-live selling.

Sa halip na bumili ang mga libo-libong niyang manonood ay nakikitambay nalang ang mga ito at nakikitawa sa livestream.

Sa kanyang livestream, sinasabi ni Daisy na wala na syang miners at napalitan na ito ng mga proud tambay.

Umabot pa nga ng 17 thousang ang live peek viewers niya ngunit ni isang miner doon ay wala.

Talagang natutuwa lang silang panoorin ang nakaka-aliw na si Madam Inutzkahit puro mura ang lumalabas sa bibig nito.

Babaeng nagpa-tattoo ng kilay, dismayado sa kinalabasan, tattoo artist hindi na ma-contact

Regine Tolentino matapang na isiniwalat na babaero at walang trabaho ang dati niyang asawa