in

Isang OFW bumyahe ng malayo, hindi napigilang maging emosyonal ng makita si Lyca Gairanod sa Dubai

Napaluha na lamang ang isang OFW na avid fan ni Lyca Gairanod nang makita ang kanyang idolo sa personal.

Kasalukuyang nasa Dubai ngayon ang The Voice Kids 2015 grand winner na si Lyca. Para magtanghal sa Expo 2020 Dubai.

Kaya naman ng mabalitaan umano ito ng masugid niyang taga-hanga ay agad itong lumiban sa kanyang trabaho. Nagtyaga din itong bumyahe ng malayo para lamang makita ang kanyang idolo.

“Alam mo sinabi ko. Pumunta ka lang dito kahit um-absent ako basta makita kita,” ani ng fan na tuwang-tuwa na nasa harap na niya si Lyca.

Kahit hindi na nga daw naabutan ng OFW fan ang pagpe-perform ni Lyca ay talaga hinintay niya ito. Dahil sa kagustuhan na ma-meet niya ito in person.

Kaya naman ng makadaupang palad na niya ang dalagang singer ay hindi na niya napigilang tumulo ang kanyang mga luha sa sobrang kasiyahan.

“Hala, ba’t naman po kayo umiiyak,” saad ni Lyca sabay yakap sa Pinay OFW. Na sobrang solid fan daw niya mula pa man noong nagsisimula pa lang ang kanyang career.

“Alam mo pagtatawanan ako ng anak ko. Kasi umalis talaga ako ko,” kwento po ng OFW fan. Kasunod nito ay inabot niya kay Lyca ang isang bag ng souvenirs.

“Alam ko hindi ka nakapag-bili ng mga souvenir. Pasensya ka na. Pero ‘to mga maliliit na mga souvenir lang ‘to,” saad pa nito.

Lubos naman ang pasasalamat ni Lyca sa Pinay OFW na nagsabing nakikipag-away pa daw siya sa mga b4shers ni Lyca.

Ngunit pabirong hirit ng dalaga, “I love my bashers, Okay lang po yun,” sabay yakap at matamis na halik bago siya mag-paalam.

Toni Fowler umalma sa mga nagsasabing mas maganda siya noon kumpara sa itsura niya ngayon

Kris Aquino pinakiusapan ang kanyang mga supporters na ‘wag munang gumamit ng red heart emojis