in

Isang lalaki sa Vietnam siyam na beses na nagparetoke para lamang matanggap sa trabaho

Isang binatang Vietnamese ang siyam na ulit nagparetoke ng dahil lamang sa trabaho.

Nakakalungkot lamang isipin na hanggang sa ngayon, nagiging basehan pa rin ang itsura ng isang indibidwal.

Upang matanggap sakanyang nais na pasukang trabaho.

Sa katunayan sa bansang Vietnam, viral ngayon sa social media ang isang binatang nagpasyang sumailalim sa siyam na beses na pagpapa retoke o plastic surgery matapos ilang ulit na hindi tanggapin sakanyang mga ina-aplayang trabaho.

Nag-viral sa TikTok ang 26-anyos na si Do Quyen.

Matapos ipakita ang dati niyang hitsura bago iparetoke ang buong mukha ng siyam na beses.

Ikinagulat ng mga followers ni Quyen ang pagkakaiba ng kanyang dating hitsura.

Na tila magkaibang tao ang before and after pictures niya.

Ayon kay Do Quyen, makailang ulit niyang naranasan na pagtawanan at tuksuhin dahil sakanyang hitsura.

Naapektuhan rin nito ang kanyang self-esteem at tiwala sa sarili.

Dahil kahit saang kompanya siya sumubok na mag apply, ay umuuwi siyang luhaan

Dahil hindi siya matanggap dahil lamang  sakanyang pisikal na katangian.

Bagay na nagtulak sakanya upang magpasyang sumailalim sa plastic surgery hindi lamang ng isa o dalawang beses kundi siyam na beses.

Kabilang sa mga prosesong pinagdaanan ni Quyen ay ang mga sumusunod: rhinosplasty, chin implant, porcelain veneers, lip reshaping, double eyelid surgery, lip implants at iba pa.

Umabot sa US$17,256 o katumbas ng P847,977 ang kanyang nagastos para sa mga nasabing surgeries.

Aminado ang binata na tutol sakanyang pagpapa retoke ang kanyang mga magulang ngunit pursigido siyang baguhin ang kanyang katangiang pisikal

Hindi para sa ibang tao kundi para sakanyang sarili.

@fb_quyen_doTrả lời @halfelf2309 #howichange lúc trc Ngoại xấu thg bị chê bai thay đổi đê mình hoan hảo hơn ạ #Thaydoi #daythithanhcongkhongnhi♬ feeling – Official Sound Studio

Anong masasabi mo rito?

Pauleen Luna ibinahagi ang litrato ng kanyang mag-ama na sina Vic Sotto at baby Tali habang natutulog na magkayakap

Lyca Gairanod tinulungan ang isang matanda dahil nakikita niya ang kanyang sarili dito noon