in

Isang estudyante nagbebenta ng pagkain sa loob ng kanilang campus para matustusan ang kanyang pag-aaral

Marami ang humanga sa sipag at tiyaga ng isang criminology student sa Iloilo City, matapos lang ang kanyang pag-aaral.

Viral nga ngayon online ang video ni John Benedict Delmo, ang nasabing estudyante na naglilibot sa kanilang Campus. Upang magbenta ng buko pie at hotdog. Ginagawa niya ito para may panustos sa pag-aaral.

Dala-dala ang malaking bag sa araw-araw na may laman na mga pagkaing paninda niya na ibinebenta sa mga kapwa niya estudyante. Hindi nahihiya si Benedict na libutin ang PHINMA-University of Iloilo.

Ang mga kinikita niya sa pagtitinda ng pagkain ay napupunta sa kanyang tuition fee at iba pang gastusin sa kanyang pag-aaral.

Hangang-hanga naman kay Benedict ang uploader ng kanyang video na si Mark Anthony Mombay. Dahil sa kasipagan at determinasyon umano ng binata na matapos ang kanyang pag-aaral.

Ibinahagi ni Mark Anthony Mombay sa Facebook ang kwento ni John Benedict na nagtitinda ng pagkain. Para makapagtapos sa pag-aaral sa PHINMA-University of Iloilo.

Napag-alaman na si John Benedict ay isang Criminology student at iniikot nito ang buong university campus para ibenta ang kanyang paninda.

Nanawagan din ang uploader sa publiko na tulungan si John sa pamamagitan ng pagbili ng kanyang panindang pagkain.

Samantala, pinuri naman ng mga netizen ang kasipagan at dedikasyon ni John.

Nagpapakita lang umano ito na walang imposible sa taong nagsusumikap para makapagtapos ng pag-aaral

Batikang aktres at gumanap na Lola Basyang na si Luz Fernandez, namaalam na sa edad na 86

Toni Fowler umalma sa mga nagsasabing mas maganda siya noon kumpara sa itsura niya ngayon