in

Isang babae arestado matapos magtangkang takbuhan ang tindahan kung saan siya nagpa-cash in ng pera

Tinakbuhan ng isang babae ang isang tindahan matapos mag-cash-in sa digital wallet ng P8,500.

Sa panahon ngayon ay marami na ang nakakaisip ng iba’-ibang paraan para lamang kumita ng pera.

Dahil sa kawalan ng trabaho ngayong laganap pa din ang pandemya ay marami na talaga ang hirap sa pang-araw araw.

Lalo na’t may pamilya na kailangang tustusan ang pangangailangan.

Ngunit isang babae, ina, ang mali ang napiling paraan upang kumita ng pera.

Sa ulat ng 24 Oras ng GMA News, isang babae ang arestado matapos takbuhan ang isang tindahan sa Tondo, Manila.

Ayon sa ulat ni Jonathan Andal sa “24 Oras Weekend,” anak ng may-aring si Apple ang bantay noong nangyari ang insidente noong nakaraang buwan.

“Minamadali niya yung bata, tinataranta niya. ‘Send mo na. Diyan lang naman ako.’ Wala siyang mask, maganda, so sabi nung anak ko kaya siya nagtiwala,” saad ng may-ari ng tindahan.

Nang mga panahon na iyon ay hindi nahuli ang kinilalang si Sherlyn Macaso, 20-anyos at tiga Angat, Bulacan.

Ngunit nito lamang Biyernes ay nahuli si Macaso matapos gawin ang parehong modus sa isa pang tindahan sa Tondo rin.

Nang subukan ng GMA News na hingan ng pahayag ang babae ay tumanggi ito, ngunit inamin naman nito ang kanyang pagkakasala.

Ito ay ayon kay Don Bosco police station commander Police Lieutenant Rowell Robles.

“Umiiyak lang siya tapos sabi niya meron siyang anak, nawalan siya ng trabaho,” saad ng pulisya.

Samantala, lumutang din ang iba pang nabiktima ni Macaso simula noong 2019. Ito na daw pala ang modus ng babae noon pa man.

Nakipag-areglo naman si Macaso sa kanyang mga biktima na naniningil ng kabuuang halaga na P35,000. Bukod sa pera, pinambayad din niya ang kanyang alahas at cellphone.

Narito ang buong ulat:

Naalala niyo pa ba ang small but terrible na si Mura? Ito na ang buhay niya ngayon!

Bagong pixie haircut ni Sarah Geronimo trending ngayon sa social media, mga netizens kinagiliwan ang kanyang kagandahan