in

Isang Arabo na pinagsisilbihan ang kanyang mga kasambahay viral ngayon sa social media

Viral ngayon sa social media ang video ng isang mabait na Arabong Employer.

Kadalasan naririnig natin hindi magagandang ginagawa ng ibang lahi sa ating mga OFW.

Gayunpaman marami pa ding mga amo ang mababait tulad nitong arabo na ito na tinatratong pamilya ang kanyang mga kasambahay.

Mahirap maging OFW dahil sa pagod, stress at ang pinakamahirap ay ang malayo ka sa iyong mahal sa buhay.

Itinuturing nga nating mga bayani ang ating mga kababayang OFW dahil sa hindi basta-bastang trabaho at sakripisyo na kanilang ginagawa sa ibang bansa, napakahirap, lalo na kapag nangungulila ka sa iyong mga naiwang pamilya.

Kaya naman napaka swerte ng mga OFW na nakakatagpo ng mababait na amo.

Isang ebidensya ang videong ito na nag trending na hindi lahat ng among arabo ay masama ang pag-uugali.

Sa Facebook post ng netizen na si Ashlyn Guiapar Mato, makikita ang ginagawang pagsisilbi ng isang Arabo sa kanyang mga kasambahay.

Naghahanda ito ng mga pagkain hindi lamang para sa kaniyang mga anak kundi para na din sa kanilang mga house helpers.

Ang kabutihang ito ng nasabing Employer ay agad naman umantig sa mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Ganyan din amu qo Bago sakanila aqo muna una bibigyan muna nila aqo”

“Ganyn nmn mga amo k mas nauna p ako bigyn kaisa mga ank Alhamdulilah

may mga amo rin tlga n mbabait”

Samantala, napagalaman na ang Arabong employer sa viral video ay isa pa lang chef.

Hilig niya talaga ang pagluluto at pagsilbihan ang kanilang mga kasambahay.

@hamad66677دجاج على الضخر مع الرز المسلوق##الممثل_حمدالكبيسي ##مشاهير ##تيك_توك ##ترند ##اكسبلور ##ابوظبي ##السعودية ##المغرب ##تونس ##جزائر ##قطر ##البحرين ##الكويت ##ليبيا

♬ الصوت الأصلي – الفنان حمد الكبيسي

Ellen Adarna at Derek Ramsay nagbigay ng reaksyon sa posibleng pagtatambal nina John Lloyd Cruz at Andrea Torres

Long Mejia binatikos si Ellen Adarna sa pag-walkout nito sa taping ng ‘John En Ellen’