in

Isa sa mga programa ni Raffy Tulfo, namaalam na sa pag ere!

Isa sa mga programa ni Raffy Tulfo, namaalam na sa pag-eere.

Ito ang naging anunsyo ng broadcaster na si Raffy Tulfo ngayong araw, October 1, 2021.

Ang kanyang programa na Idol in Action na mapapanood tuwing umaga sa TV5 ay tuluyan nang namaalan kanina.

Bilang kanilang last episode, binalikan nila ang ilan sa mga mahahalagang episodes na kanilang nagawa sa halos isang taon na pagtakbo nito.

Inere ang pinaka unang episode ng Idol in Action sa TV5 noong Hunyo 8, 2020. Marami ang tumutok dito sa pag-aasam na matatawagan ni Raffy para mabigyan ng tulong at premyo.

Pero nilinaw naman ng one of the Tulfo brothers na sa Idol in Action lamang siya mawawala. Ang kanyang radio program na Raffy Tulfo In Action ay tuloy pa din.

Paliwanag pa nga ni Raffy, mas mabibigyan atensyon niya ang kanyang programa na RTIA ngayon na ito na lamang ang kanyang show na umeere.

“Walang iwanan, ‘yan po talaga ang lagi kong sinasabi.Di ko kayo iiwan, pansamantala po hindi niyo ako makikita rito. Pero makikita niyo po ako everywhere,” aniya.

Ang Raffy Tulfo In Action ay mayroon ding YouTube channel na mayroon nang million views at subscribers ngayon.

Kaya naman pangako niya sa sumusuporta ng kanyang programa, “I’ll do my best para lalo ko pang palakasin pa ang binibigay naming serbisyo publiko para po sa inyong lahat. Promise ‘yan, trust me!”

Eric Fructuoso may payo para sa kanyang anak na bagong kasal na si Tres Fructuoso

Kylie Padilla nagsalita na tungkol sa pagkakaugnay ni Aljur Abrenica kay AJ Raval!