in

Ion Perez naiyak noon nang tinanggihan na mag propose kay Vice sa live television

Ion Perez, ninais pala na mag propose noon kay Vice Ganda via live television ngunit hindi pinayagan.

Ngayong araw, February 16, 2022, nagkaroon ng espesyal na moment ang noontine show na It’s Showtime para sa kanilang host na si Vice Ganda at Ion Perez.

Nilantad na kasi sa publiko ng Unkabogable star na si Vice noong February 13 ang naging pagpapakasal nila ni Ion noong October 19, 2021 sa Las Vegas, USA.

Lumalabas na kahit ang kanilang malalapit na kaibigan ay wala ding alam sa mga pangyayari. Kaya naman ang kanilang It’s Showtime family ay nasurpresa din.

Sa naging episode nga ngayon, kinantahan pa sila ni Yeng Constantino ng sariling kanta na Ikaw na siya din ginamit ng singer noong siya ay ikasal.

Sa naging pag-uusap ng mga hosts, natanong nila kung ano ba talaga ang mga naging tagpo noong nakaraang taon. Nag propose si Ion kay Vice noon pang February 21, 2020 na tinago din nila sa publiko.

Naikwento naman ni Teddy na nagpaalam daw si Ion na mag propose kay Vice sa It’s Showtime pero pinagbawalan siya ng management.

Panuorin ang video dito:

 

Dawn Chang may prangkang tugon sa netizen na sinabihan siyang “Dami mong alam”

JM de Guzman pitong taon ng single, sa comment section ng kanyang IG naghahanap ng pwedeng jowain!