in

International artist na si Kylie Brakeman nadamay sa isyu nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica

Nagtaka ang American actress na si Kylie Brakeman sa mga mensaheng natatanggap niya mula sa mga Pinoy.

Umabot na nga sa Hollywood ang kontrobersyal na hiwalayan nila Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Umabot kasi kay American actress-writer Kylie Brakeman ang isyu.

Sa Twitter ipinakita ni Brakeman ang screenshot ng message sa kanya ng isang Filipino netizen na idinamay siya sa isyu.

Napagkamalan ng netizen na si “Kylie Padilla” ang pinadalhan niya ng mensahe.

“Hey kylie whats the truth?” message ng netizen. Reaksyon ni Brakeman: “I really didn’t know what I was expecting.”

Kasunod nito ay takang taka si Brakeman bakit siya ang nakakatanggap ng gantong mga mensahe. Natatawa uman siya na hindi niya malaman na buong Pinas ang nagpa-prank sa kanya.

Upon searching, nalaman ni Brakeman na si Kylie Padilla ang tinutukoy sa isyu at kapangalan niya ito kaya pinagkatuwaan siya ng netizens.

Hanggang sa naintindihan na umano niya kung bakit siya ang nakakatanggap ng mga ganoong mensahe at ine-enjoy na lamang daw niya ito.

Tila curious sa totoong nangyari, napa-research pa siya ukol sa isyu at pinanigan pa nga ang Kapuso actress na si Kylie Padilla.

Sa huli ayon kay Brakeman ay kampi siya kay Kylie sa isyung ito.

Gerald Anderson sinorpresa ang nobyang si Julia Barretto ng sweet dinner date set up by the beach sa Boracay

Direk Bobet Vidanes pinutol ang communication sa mga It’s Showtime hosts, tanging si Jhong Hilario lang ang kinakausap