in

Iñigo Pascual binilhan ng farm ang kanyang lolo, ibinahagi kung paano nakamit ang pangarap na ito

Natupad na ni Inigo Pascual ang pangarap niya na magkaroon ng sariling farm.

Nakapagpundar na ng isang farm na matatagpuan sa Rizal si Inigo Pascual. Binili raw ng binata ang property noong Nob­yembre lamang para sa kanyang lolo.

Pagbabahagi ng aktor, isa talaga siyang Lolo’s boy at isa ito sa mga pangarap ng kanyang lolo kaya naman pinursige niyang matupad ito.

“I’ve always wanted to have horses. I’ve always wanted to learn how to ride horses by myself and to even have my own farm. Parang sobrang pangarap ko talaga ‘yon bata pa lang ako. And also to have my lolo here with me and makita siya na sobrang excited to be there,” ani Inigo.

Giit ni Inigo, iba ang pakiramdam tuwing nasa farm siya lalo’t malapit siya sa kalikasan.

“Ako kasi I’ve always love nature. Parang doon ako kumakalma, doon ko nakakalimutan ang stress, ang problema. Hilig ko lang talaga bata pa ako, hilig ko sa bundok, hilig ko mag-hike, magpunta sa beach. So anything nature-related eh ‘yon ang trip ko na gawin on my spare time,” saad pa ng binata.

Sa kanyang mga post sa Instagram ay ibinahagi din ni Inigo kung gaano niya nami-miss ang kanyang lolo.

Panoorin dito ang kanyang panayam sa “Magandang Buhay”:

Kylie Padilla pina-alalahanan ng isang netizen tungkol sa kanyang indoor toxic plant

Kapuso actor na si Juancho Trivino inamin na nagtrabaho siya sa BPO companies nang magsimula ang lockdown nakaraang taon