in

Inday Garutay na-hurt, pinatanggal diumano ni Vice Ganda sa comedy bar

Nagbigay ng kanyang reaksyon si Inday Garutay sa vlog kamakailan ni Vice Ganda kasama sina MC at Lazzy.

Naging guest si Inday Garutay sa showbiz update vlog ni Ogie Diaz. At dito ay inamin niyang nasaktan siya sa pahayag nina MC, Lazzy, at Vice Ganda.

Sa vlog kasi ni Vice ay nagkaroon sila ng game at magbibigay sila ng mga pangalan na gusto nilang i-nominate.

Sa isang tanong kung sino ang sa tingin nilang komedyanteng pinaka hindi nakakatawa. Si Inday Garutay ang isinagot nilang pangalan.

Aniya, pakiramdam niya ay nainsulto umano siya sa ginawa ng tatlo, lalo na’t hindi naman daw niya kaibigan si MC, na nag-nominate sa kaniya.

Saad pa nga ni Inday, alam naman ng publiko na malakas ang impluwensya ni Vice. Kaya naman baka maapektuhan umano ang kanyang trabaho dahil sa opinyon nito.

Baka daw wala na siyang makuhang raket at paniwalaan ng mga tao na hindi talaga siya nakakatawa bilang stand-up comedian.

At dahil dito ay natanong ni Ogie kung may naging issue ba sila noon ni Vice Ganda at ganun na lang ang opinyon ng Unkabogable star sa kanya.

Doon na nga ibinahagi ni Inday na may isang pagkakataon na ipinatanggal siya ni Vice sa isang comedy bar.

“Actually, meron… 2010, of course playing safe si Jegs kaya sinabi niyang pinagpahinga pero alam ng mga kasama namin sa sing-along na pinatanggal niya ako talaga,” saad ni Inday.

Nilinaw naman ni Inday na wala na siyang sama ng loob kay Vice at ang lahat daw ay water under the bridge na lamang.

Dagdag pa niya, nasa kampo na raw nina Vice kung hihingi sila ng patawad sa kanya. Pero kung hindi naman daw ay okay lang sa kanya.

Pinoy na nagtatrabaho sa Jeddah, nakapag picture kasama si Justin Bieber at Hailey Baldwin!

Awra Briguela proud na napagtapos ang kanyang ama sa pag-aaral nito sa kolehiyo