in

Ina ni Donnalyn Bartolome ibinunyag ang mga nagawa ng anak para kay Nanay Josie

Painit na ng painit ang usapin tungkol sa isyu nina Donnalyn Bartolome at Jose Hallorina.

Patungkol pa din sa Lola umano ni Donnalyn na si Nanay Josie.

Kaya naman nagsalita na ang ina ni Donnalyn na si Tonylyn Mulawin para depensahan ang kanyang anak.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook live saad ni Tonylyn, “Ako po, kaya po ako nag-aano dito, nanay ako eh. Explain ko naman po yung side ng anak ko diba? Napaka-unfair naman po nun sa anak ko.”

Aniya pa ay ginawa na umano ni Donnalyn ang part niya para matulungan si Nanay Josie. “Ginawa po niya yung part niya. Higit pa sa ine-expect ninyo.”

Ibinahagi din nito na ilang beses na nilang kinukop si Nanay Josie ngunit sadyang matigas ang ulo ng matanda.

Kahit pa umano bigyan ng mansyon ito ay pag gusto na nitong umalis ay aalis ito. Di naman kaila sa publiko na sadyang matulungin si Donnalyn.

Tumutulong ito para sa ikagaganda ng kalikasan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donnalyn 🇵🇭 (@donna)

Ilang motor din ang ibinahagi ni Donnalyn para sa mga riders upang mabigyan sila ng trabaho sa gitna ng pandemya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donnalyn 🇵🇭 (@donna)

Namimigay din ito ng salapi sa kanyang mga followers para kahit papaano ay makatulong sa kanilang pangangailangan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donnalyn 🇵🇭 (@donna)

Isang charity operation din ang ginawa ni Donnalyn para ipagdiwang din ang kanyang kaarawan kamakailan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donnalyn 🇵🇭 (@donna)

Kaya naman taliwas umano sa mga pahayag ni Jose na hindi tumulong si Donnalyn kay Nanany Josie.

Dahil kung ibang tao nga ay natutulungan niya what more pa sa kanyang kapamilya.

Kylie Padilla ibinahagi ang set-up nila ngayon ni Aljur Abrenica matapos ang kanilang hiwalayan

Aktor na si Eric Fructuoso magiging Lolo na! Ibinahaging nasasabik na sa pagdating ng kanyang apo