in

Ina, nakatanggap ng 1 milyon mula sa mga anak para sa kanyang kaarawan!

Mapapa sana all ka na lang sa isang ina na nagdiwang ng kanyang kaarawan.

Sa isang viral na ngayon na social media post, makikita ang isang ina na sinurpresa ng kanyang mga anak para sa kanyang special day.

Pero wala siyang kaalam alam na may malaking surpresa pala ang kanyang mga anak para sa kanya.

Sa video, makikita na kinakantahan nila ng Happy Birthday song ang kanilang ina habang hawak nito ang kanyang cake.

Maya maya pa, pinapili siya ng kanyang anak na babae kung Php 100,000 cash o package. Syempre, noong una ay napapaisip pa ang kanilang ina kung ano pipiliin.

Sa huli, pinili nito ang package. Tsaka tinakpan ng kanyang mga anak ang kanyang mata at ipinasok sa loob ng kwarto. Laking gulat niya nang puno ng 1,000 at 500 peso bill ang silid.

Ayun pala ay nagkakahalaga ito ng isang milyong piso! Binigyan lang naman siya ng kanyang mga anak ng 1 million pesos in cash!

Hindi nakapag salita sa tuwa at gulat si mommy birthday celebrant sa laki ng halaga na natanggap niya mula sa kanyang mga anak.

Mapapa sana all ka na lang talaga! Happy na, birthday pa si mommy!

Jomar Lovena magkakaroon na ng baby sa girlfriend na si Veybillyn Gorens!

Mygz Molino bumuhos ang luha sa kauna-unahang vlog ilang linggo matapos ang pagkawala ni Mahal