in

Ilang mga celebrities naiyak sa pregnancy journey vlog ni Alex Gonzaga

Pinaluha ni Alex Gonzaga ang mga netizens at mga celebrities sa kanyang ‘My Pregnancy Journey’ vlog.

Linggo, October 24, ibinahagi ni Alex sa kanyang YouTube channel ang journey ng kanyang pagbubuntis.

Sa simula ng video ay sinabi niyang ginawa niya ito para may memories sila maite-treasure. At mababalikan nila ng asawa niyang si Mikee.

Ikinwento ni Alex sa kanyang vlog na nalaman nila ito ng umuwi sila sa kanilang bahay galing sa Farm At San Benito.

Delayed na daw kasi siya ng mga panahon na iyon at maghapon lang siyang inaantok. Kaya naman ng makarating na sa kanilang bahay ay nag pregnancy test siya.

Nang makita nilang positive ang result ay agad namang naging emosyonal ang mag-asawa. Una niyang sinabihan ay ang kanyang ate na si Toni Gonzaga.

At dito ay parehas naging emosyonal ang magkapatid dahil sa lubos na kasiyahan. Ibinalita na rin nila ito sa kani-kanilang mga pamilya.

Tuwing ipinapaalam nila ito sa mga kasama nila sa bahay ay hindi mapigilan ni Mikee ang maiyak. Tears of joy kumbaga.

Hanggang sa dumating na ang araw na kailangan nilang magpatingin sa doktor para malaman ang kalagayan ng kanilang baby.

At doon na nga nila nalaman na hindi na nag-push through ang kanyang pregnancy. Ang kanilang saya ay napalitan ng kalungkutan dahil sa balitang ito.

Ang mga ngiti ay napalitan ng luha ngunit gayunpaman ay naging positive thinker ang kanilang buong pamilya.

Maraming celebrities naman ang nagpahayag ng kanilang kalungkutan sa nangyaring ito ay Alex. Hindi din napigilan nila Ivana Alawi at Jessy Mendiola na maiyak ng mapanood ang video ni Alex.

Panoorin dito ang kabuuan ng Pregnancy Journey ni Alex:

BB Gandanghari may payo para kina Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa kinakaharap na kontrobersiya ngayon

Matapos ang usap-usapan na may bagong BF na si Nadine Lustre, James Reid binebenta na ang bahay na nagsilbing ‘love nest’ ng JaDine