in

House Tour gone wrong: Vice Ganda may nakitang gamit na underwear ni Hayden Kho sa kama ni Dra. Vicki Belo!

May nakakawindang na nakitang gamit ang komedyanteng si Vice Ganda sa propesyonal na Dermatologist na si Dra. Vicki Belo.

Sa kanyang YouTube vlog, ibinahagi ni Vice ang kanyang naging house tour sa bahay ni Dra. Vicki Belo. Ito ang dating bahay ng mag-asawa.

Kuha ang naturang vlog noong December 2021 at makikita pa ang napakagandang Sugar Fairy themed Christmas Tree ng dermatologist.

May dalawang bahay na sila Dra. Belo sa subdivision dahil masyado daw naging exposed ang kanilang bahay sa publiko kaya minabuti nilang kumuha pa ng isang bahay.

Mayroong apat na malalaking kwarto: playroom ni Scarlet, gym, master’s bedroom at isa pang kwarto.

Naging bodega na ang dating playroom ni Scarlet habang ang kwarto naman ng mag-asawa ay may mga kagamitan pa din.

Nang humiga si Vice sa kama, niyakap niya ang mga unan at dito na nakita ang gamit na underwear ni Hayden. Nagulantang naman si Doktora nang makita ito.

Una nang biniro ng Showtime host ang huli sa maduming electric fan na nakita niya. Lalo pa itong natawa nang makita ang hindi inaasahan sa ilalim ng unan ni Dra. Belo.

May nakita ding katol si Vice at first time daw ito makita ni doktora. Tinuruan pa siya ng komedyante kung paano gamitin ito.

Narito ang buong vlog:

 

Herlene Budol nadala na din magpautang sa iba: “Parang ending ikaw pa yung mali”

Xian Lim nagbagong taon nang may sugat sa ulo dahil sa kagat ng buwaya!